Thursday, May 5, 2011

DFA + MOA

Ye, di ako nakapagpost kahapon, LMAO.

Ganto, punta kaming DFA, kasi nagpagawa ng passport sila Kuya Rex, Darci, Hedrix, Dana. Un. A, ung mga kasama pala kahapon, un din ung mga kasama nung Visita Iglesia. Ung nasa picure ung main building ng DFA , ung pinuntahan talaga namin para magpagawa ng passport... Hinid ko napicturan kasi nawala sa isip kong picturan >_> Nung papunta nga kami dun, nakotongan si kuya ng ewan-ko-kung-sino-mang-pulis-un kasi may excess passenger daw sa harap. Gelo kasi e.
So un un. Grabe tagal namin dun. Mga 3 oras dahil sobrang haba ng pila. OTL. Dapat kahapon, magcocollege hunting kami, kaso, dahil nga mahaba ung pila at natagalan kami, sabi ni kuya, MOA na lang daw. Syempre, dahil magaling ako, sabi ko "Ok, screw college. Mag MOA tayo at manlibre ka. MWAHAHAHA!!" Ye.... OTL
Bale nag MOA na naman kami.
Kain kami muna sa Tropical Hut. Na OTL-sobrang-ganda-ng-hospitality-mapapatay-mo-sila. Isipin mo un. Nagserve samin ng maduming utensil. At nagserve samin ng maduming plato. So sinabi ni ate na papalitan. Ang ginawa... Pinunasan ng basahang pamunas ng table. Grabe. E nakita ni ate, so nagreklamo siya. SINONG GUSTONG KUMAIN SA PLATONG PINUNASAN NG BASAHANG PAMUNAS NG TABLE???





Dahil nasa MOA kami, nagyaya ako sa Power Books. Kaso... Nadaanan namin ung Science Discovery kaya nagyaya ung mga bata dun. So Nag Science Discovery nga kami.




At bago kami tuluyang pumasok dun, may nakita kaming malaking "PSP" kaya nag papicture ung mga bata. So may pic din ako. Na BLURRY. MWAHAHAHA!.













Di pumasok na kami sa SD. Kung anu-anong nakita namin dun. Feel ko bata uli ako kasi sobrang nawili ako. Lalo dun sa Earthquake Experience Room. XD Ang saya talaga.
Sa sobrang saya, nawala sa isip ko ung Power Books. OTL.
Mga 8:30 na ng gabi kami nakauwi, mga 9:30 nasa bahay na. Bale hindi na ko nakahawak ng comp kahapon dahil hindi nakaayos ung laptop ni ate, so un.

Bakit parang every week na kaming nasa MOA?? O_________O