Thursday, May 19, 2011

SM + Di-mapigilang Antics ni Geng

Waha. Nag-SM kami nila Ate Reagan, Kuya Rex, Dana, Hedrix, at Gelo. As usual, sa kotse, si Gelo ang patawa samin.
Nagpunta kami sa SM kasi may bibilhin si kuya na lalagyan ng mga libro para di na ipisin. So punta kaming Department Store, Ace Hardware, Supermarket... at balik sa Department Store. Pagkatapos nun, kain naman kami. Nung una, dapat sa Kenny Rogers. Kaso magaling si kuya kaya napadpad kami sa Karate Kid.
So yeah, jan. Di akin ung pic. Kelangan ko lang talagang maglagay ng pic para di ako tamarin magbasa nitong blog.
Di un, pagkatapos kumain jan, punta na kaming National Bookstore kasi titingin si ate ng libro na pede niyang kuhanan ng reference sa mga ginagawa niyang libro. Ako naman, habang nandun, nagtitingin ng mga pede kong mabasang novels. At..... May nakita akong Fang Novel na walang cover kaya sinimulan ko siya XD
Di ko kasi mapigilan e! Sakto kasi un na ung babasahin ko. So binasa ko nga ung simula. Nasa page 35 na ko. Yeah, simula... Un, pero sa 35 pages na un, ang dami kagad nangyari. Nagpakita kagad si Dylan, may lovey-dovey scene uli si Max at Fang >_>, nagsabi na ng propesiya si Angel..... Spoilers. Ang galing ko talaga. Un un.
Basta kung anu-ano pang ginawa namin sa SM, bili ng ice cream... Donuts... Dapat makakapag Tutti Frutti din OTL. Oya, tapos uwi na kami.