Kasi nung bata ako, mahilig na talaga kong manood ng anime. Ung mga unang anime na napanood ko:
Magic Knight Rayearth (c) CLAMP - Alam ko eto ung pinaka una kong napanood na anime. Mahal na mahal ko ung characters niyan hanggang ngayon. Syempre pati ung OSTs niyan.
Shaman King (c) Takei Hiroyuki - Nung natapos na ko sa Rayearth, natuwa ako sa simple pero cool na drawing style ng Shaman King. At kahit mas maraming pairing sa Rayearth, sobrang naging fan ako ng Yoh x Anna Pairing.
Flame of Recca (c) Anzai Noboyuki - Kung mapapansin niyo, puro action ang kinahihiligan ko nun. Yeah, hanggang ngayon. Flame of Recca ang pinaka dahilan kung bakit maaga akong nawala sa "innocent" stage.
Outlaw Star (c) Ito Takehiko - Dinagdagan ng sobrang lala ang sinimulan ng Flame of Recca. Yeah... Saglit lang akong naging inosente sa buong buhay ko.
Lupin the Third (c) Monkey Punch - Kinahiligan ko ung pagtawa sa mga kalokohan ni Lupin XD
Doraemon (c) Fujiko F. Fujio - Sinong hindi nanonood niyan non? XD
Mojacko (c) Fujiko F. Fujio - Mas cute naman ng di hamak kesa kay Doraemon no~!
Detective Conan (c) Aoyama Gosho - Hindi lang si Keng ang nanonood niyan.
Voltes V (c) Saburo Yatsude - Bago ko pa hinangaan ang Power Rangers, Voltes V muna ang ang super heroes ko nun.
Daimos (c) Saburo Yatsude - Sige na. Ako na mahilig sa Mecha.Dragon Ball (c) Akira Toriyama - Nawili ako sa mga Saiyan at sa mga gravity-defying hair nila. Nakakatawa rin ung action nito.
Full Metal Panic! (c) Shoji Gatoh & Shiki Douji - Sobrang nagandahan ako sa art style na hindi ko inintindi ung storyline. Na-gets ko rin naman sa huli, pero ung art talaga ung dahilan kung bakit sinubaybayan ko yan e. Ang cool ng drawings.
Hajime no Ippo (c) George Morikawa - Boxing ang theme. Di ko talaga alam kung bakit ko pinanood yan. Siguro napagtripan ko ung art style. Siguro.
Hunter x Hunter (c) Yoshihiro Togashi - Ang cool nung storyline so yeah...
Monster Rancher (c) Hiroyuki Yano - Ang cute kasi ni Mocchi at Suezo. Un ung pinaka dahilan kung bakit na intriga ko sa anime niyan.
Sorcerous Stabber Orphen (c) Yuuya Kusaka - Anong masasabi ko? Naging crush ko si Orphen nun. LMAO. Hindi... Ganto, cool kasi ng drawings and plot. So un.
Pokemon (c) OLM, Inc. - Ang hindi pa nakakaalam nito.. Please. Paki untog ang ulo sa pader. OTL.
Baki the Grappler (c) Keisuke Itagaki - Yeah ang ecchi-ness nito. OTL. Pero pinanood ko pa rin. Tsk tsk tsk.
Cowboy Bebop (c) Shinichiro Watanabe - So nawili ako kay Ed at sa pagiging androgynous niya. At syempre, maganda ang fighting scenes.
YuYu Hakusho (c) Yoshihiro Togashi - Magandang plot + magandang opening song. Anung masasabi ko?
Fushigi Yuugi (c) Yuu Watase - Ah.... May kasamang ecchi-ness at cliche romance na hindi ko alam kung bakit ko nagustuhan.
Ragnarok the Animation (c) Seiji Kishi - Binibilhan ako ng CDs nung bata ako. Yan ung madalas kasabay ng Rayearth. At nagulat ko nung malaman kong may game pala yan. OTL.
Scrapped Princess (c) Ichiro Sakaki & Nakayohi Mogudan - Nagustuhan ko rin ung drawing. Pero walang wala akong idea tungkol sa plot. XD
Elemental Gelade (c) Mayumi Azuma - Siguro kaya ko sinubaybayan to kasi na-iintriga ko sa mga mahabang pangalan nila Ren, Kuea, Parl, Tilel, at marami pang iba. TSAKA KAPAREHAS KO NG UGALI SI KUEA~! XD
Gate Keepers (c) Hiroshi Yamaguchi & Keiji Gotoh - Ang cool ng drawing tsaka coloring e. Pati ung Shun x Ruriko Pairing. Yeah, mahilig akong magpair sa mga Shounen.
Marmalade Boy (c) Wataru Yoshizumi - A... Bago ko pumasok sa school nun, syempre gigisingin ako ng maaga. Tapos habang kumakain, manonood akong TV. At yan ang lagi kong nasasaktuhan.
Hamtaro (c) Ritsuko Kawai - Yan naman ung palabas pagkatapos ng Marmalade Boy. Na naabutan ko rin habang kumakain ako. Yeah. Mabagal akong kumain nun.
Cat's Eye (c) Tsukasa Hojo - Nakalimutan ko na kung pano o bakit ko nagustuhan yan. At OTL, di ko talaga napapansin ung ecchi jan. XD
So yan. Ang dami. Walang particular order yan. Except sa Rayearth. Dahil un talaga ang una. Tsaka kung di talaga obvious, mahilig ako sa Shounen genre. Kung hindi Shounen, Adventure at Action.
Sure akong meron pang iba e. Nakalimutan ko lang. Pag naalala ko. I-eedit ko tong post na to.
[EDIT] Ok. Madami nga akong nakalimutan. Malamang marami pa talaga.