Monday, May 16, 2011

Influences

So ngayon naman, ipopost ko ung mga naging influences para 'mabuo' ung art style ko...

Masasabi ko na ung art style ni Arina Tanemura ung pinaka nag-influence sa style ko ngayon. Sa kanya ko rin natutunan ung "tamang paraan" ng pagdrawing ng mukha. Or at least face shape. Dati rin, malalaking mata ang ginagawa ko para sa mga characters ko. Yeah. Sa kanya din mostly galing ung style ng pagdrawing ko ng kamay, braso, at mga binti. So far... Pinag-aaralan ko pa ung paggawa ng paa. LOL. Ah, siguro may influence din siya pagdating sa paggawa ko ng buhok. Medyo...
Bukod sa pagiging may pinakamalaking influence sakin, siya rin inspiration ko hanggang ngayon. Okay, hindi ko type karamihan sa mga plots niya dahil masyadong cliche.. Pero ung tiyaga na nilalagay niya sa bawat panel ng bawat page ng bawat chapter ng mga manga niya, sobrang nakaka-inspire. Ang tiyaga niya promise.

Ang Vampire Knight ni Hino Matsuri. Nung nagsawa ako sa Arinacchi-Eyes, napansin ko ung VK. Sabihin na nating overrated na ag mga bampira, pero kahit na. Ung mga mata ng characters ni Hino-sensei, sobrang ganda at expressive. So yeah, malaking influence din siya sakin. Bukod dun... Maraming DUGO~ Jan ko rin pala nakuha ung paggawa ng mga dark plot lines. At siguro dahil sa kanya, natuto ko magdrawing ng matinong lalaki.

Okay, so kung kay Hino-sensei ako natuto magdrawing ng "Matinong Lalaki", kay Pink Hanamori ako natuto magdrawing ng... Well.. Lalaki. LMAO. Or para mas specific, sa kanonood ko ng anime at kababasa ng manga ng Mermaid Melody Pichi Pichi Pitch, kaya ko natuto.

The Record of Fallen Vampire AKA Vampire Juuji Kai. Sobrang mangha talaga ko sa mga storya na sinulat ni Kyo Shirodaira. At sa lahat ng mga ginawa niya, eto ung pinaka nakakaiyak at pinakanakakamangha sa lahat. Okay, aaminin kong di ko ganung nagustuhan ung art niya. Tsaka tungkol sa mga bampira na naman ung story, pero ung story mismo ung dahilan kung bakit di ko naisipang itigil ung pagbasa sa manga.
So anung influence? Dinagdagan niya ung hilig ko sa dark themes. At natuto akong mag-plot twists dahil sa manga na yan. Bukod dun, natutunan ko rin na hindi lahat ng may action, kelangan puro action lang. Kelangan din lagyan ng dramang sobrang kakaiba talaga.

Ah, ang Kalokohan Chronicles ni Tasha Godspell ng Witch Hunter. So yeah. Malalang ecchi-ness ang nanjan. Pero kahit na. At least natuto kong magdrawing ng katawan ng babae. Yeah, hirap akong magdrawing ng katawan ng babae mula ng natuto kong magdrawing ng lalaki. At "nahasa" ko rin ang sense of humor ko dahil jan. Tsaka nakakamangha ung anatomy~!

Goong. Hindi. Hindi ung live action. Ung manhwa po ung manhwa. Siguro jan ko nakuha ung tendency kong magdrawing ng long-legs-and-long-arms-like-yeah. Tsaka... Ung "fashion sense" ko. Yeah right. Basta un. Sa manhwa na yan nanggaling ung mga ideas ko para sa mga damit ng mga OCs ko.

Demon Diary. Yan. Jan ko pede isisi ung pagiging Obsesseive Compulsive ko sa paglalagay ng folds sa lahat ng bahay na pede kong lagyan ng folds. Panu kasi, nakakawili tignan ng paulit-ulit ung isang panel sa isang page ng isang chapter dahil lang ang daming folds. Actually, hindi lang Demon Diary ung nakaka-inspire e. Basta lahat ng mga manhwa na si Kara Lim ang nagdrawing. Lahat un tadtad ng folds ung mga damit ng characters. Kaya siguro, naisipan kong gayahin. At nagaya ko nga. So yeah. Ung paggawa at pagtiyaga sa mga folds ng damit ang malaking influence niya. Bukod dun, ginagawa ko ring reference ung copy ng manhwa sa bahay para sa poses and anatomy.

So nagandahan ako sa mga fragile women ng Dear My Girls. Yeah. Ang influence niyan... Victorian Era dresses and suits. Natuto kong magtiyaga sa laces at laces at laces ng isang dress. Ung frailty din ng mga characters ko, malamang jan ko nakuha.

Okay, so kung mapapansin, ung mga kinahihiligan kong anime puro Shounen. Pero ung mga manga/mangaka/manhwa/manhwaga na nag-iinflunce sakin, puro Shoujo genre ang ginagawa. So bakit ang inconsistent ko? Kasi di ako makahanap ng magandang influnce sa mga Shounen genre na manhwa/manga/anime. Yeah.