The angel Alexiel loved God, but she rebelled against Heaven when she saw how disgracefully the other angels were behaving. She was finally captured, and as punishment sent to Earth to live an endless series of tragic lives. She now inhabits the body of Setsuna Mudo, a troubled teen in love with his sister Sara. Setsuna's misery mirrors the chaos among the angels, and their combined passions threaten to destroy both Heaven and Earth.Yan un summary nung plot. Meron siyang mga genre na hindi ko gusto. Example, shounen ai, number one sa listahan, pero mild lang din naman... Gender bender, kasi ayoko lang talaga ng gender bender... Supernatural, hindi sa takot ako or the like, ayoko lang talaga. Pero kahit nga may mga genre na ganyan, dahil sobrang ganda nung plot and story, plus nakamamanghang art, sinubaybayan ko siya. 120 chapters lang rin naman e. Madali lang basahin.
Eto ung characters:
Setsuna & Sara Mudou.
Ung main pairing. At oo, magkapatid sila. At oo, may incest sa story line. As in... Malalang incest.
Si Setsuna ung main character. Nung una, okay pa ko sa kanya e. Kaso nung nagtagal... Naging nakakaasar lang talaga siya. Ewan. Ang pathetic niya e. Ngayon lang ako nakakakita ng main character na lalaki na ganung nakakairita. Pero siguro un din ung dahilan kung bakit ko tinapos ung manga hanggang dulo. Basta un. Typical teenage boy siya - rebellious, lalalala... Except nga may pagnanasa siya sa kapatid niya.
Ang ayoko lang talaga sa kanya... SOBRANG DAMING NAMATAY PARA AT DAHIL SA KANYA.
Si Sara naman, isang taong mas bata kay Setsuna... At ayoko rin sa kanya. Kasi... Ewan ko. Masyado siyang naging damsel in distress dun sa story. At sinasabi rin nila na siya ung main female protagonist... Ayokong tanggapin un. Kasi... Basta ang useless niya. Okay pa nung una e. Kaso nung mga kalagitnaan... >____>
Ngayon lang ako naging ganto ka err sa main pairing ng isang series >_>
Kurai.
Eto ung masasabi kong main female protagonist. Kasi mula simula hanggang dulo, sinamahan niya si Setsuna sa mga adventures niya e. Ang kaso nga lang, di ko siya makitang bagay kay Setsuna. Kasi bata lang si Kurai e. Or at least, mukhang bata. As in, mukhang ten year old.
Masasabi kong si Kurai ung dapat na may nakakairitang ugali. Kasi nga bata. Pero never akong nainis sa kanya sa storyline XD A basta un.
Lucifer [ nasa taas ] / Kira Sakuya / Nanatsusaya Mitamanatsurugi [ no image ].
Ung taong maraming identities.
Nung si Kira pa siya ( or Nanatsusaya whatever ), sobrang nakakatawa siya. As in. Kasi ung paraan niya ng pagsupport kay Setsuna, maganda. Para silang magkapatid. At siguro, kung di dahil sa kanya, tinigilan ko na rin ung AS. Pero ayun nga, character siya jan. Nakakatawa at nakakatuwa.
Nung nalaman na na siya nga ung spirit nung Nanatsusaya Blade, medyo naging dark na ung character niya. Pero nandun pa rin ung comedy.
Nung - SPOILERS - namatay si Kira, lumabas na si Lucifer. At ayun. Sobrang dark na nung character. Pero maganda ung story niya. Lalo ung kasama ni Alexiel. Kaya isa pa rin siya sa mga paborito kong characters ng AS. At oo, demon lord siya dito malamang.
Dagdag lang for the heck of it, merong apat na pakpak si Lucifer.
Alexiel.
Siya ung three-winged Organic Angel. Ung paggising sa kanya rin ung main plot ng story, so un, majority ng storyline, tulog siya. Or at least, ung katawan niya tulog.
Si Alexiel, reincarnation niya si Setsuna, kaya napakaimportanteng character niya. De, baliktad. LOL. Kung wala si Alexiel, wala ring protagonist na Setsuna. Basta un. Wala ko ganung masabi sa kanya kasi nga tulog siya sa lagpas kalahati ng story. Actually, dalawang beses lang siya nagising e. Pero meron namang flashbacks. Ayun. Isa rin to sa mga paborito kong character kasi nakakamangha rin ung storya niya. Tsaka ung mga revelations na nakapalibot sa kanya. Kahit angel siya, dark din ung character niya. Pero dahil dun kaya gumaganda ung plot.
So eto na naman tayo sa OTP. Oo, may chemistry sila ni Lucifer. At naniniwala akong canon ung pair nila. Kasi ayon sa mga nabasa ko canon un.
Si Inorganic Angel Rosiel ang younger twin brother ni Alexiel. TWIN BROTHER. BROTHER. Pero kahit anung angulo ko talaga siya tignan, babae siya. Lalo pag nabasa niyo ung manga. Kung pano siya umasta - niyayakap kung sinu-sinong lalaki, hinahalikan kung sinu-sinong lalaki - para talagang babae. At siya ung dahilan kung bakit ko sinabing may mild shounen ai sa AS.
Masasabi kong si Rosiel ang pinaka retarded, pinaka obsessed, pinakabaliw, pinaka twisted, at pinaka androgynous na character ng AS. As in. Makikita mo siyang stark naked pero takip pati ung parts na kung san dapat babae lang ang meron. Kaya magtataka ka kung nagkamali lang si Yuki Kaori nung sinabi niyang brother ni Alexiel si Rosiel e.
Ayun, bago ko pa malimutan... Siya rin ung main antagonist. At least hanggang sa last volume. At sobrang vain niya daig niya vanity ko at vanity mo pinagsama.
Katan.
Hindi ko alam kung anong dapat kong itawag sa kanya e. Sabihin na lang nating "anak" siya ni Rosiel. Isa rin siya sa mga napakaraming tragic characters ng AS. Pero kung wala siya, matagal nang natuluyan si Rosiel. Siya ung number one pillar of support nun e. At actually, sobrang minor character niya lang. Pero dahil nga sa role niya as alalay ni Rosiel, kelangan ko rin siyang i-mention.
Malaking pic kasi marami sila XD
Michael.
Ung maliit na lalaking may red hair at snake tattoo sa mukha. Nakababatang kambal ni Lucifer. Hindi halata no? Basta un. Importanteng character siya kahit medyo late na siya nagpakita sa AS. At isa rin siya sa mga nakakawiling characters kasi sobrang bayolente at dense niya.
Uriel.
Siya naman ung dark-haired jan. Magigi siyang magaling na ally ni Setsuna. At napakaimportante rin ng role niya tungkol sa imprisonment at punishment ni Alexiel.
Raphael.
Ung blond. Womanizer na merong poker face. Importante naman siya sa plot ni Sara. Kung wala siya, sobrang nawala na rin ung konting usefulness na na kay Sara.
Gabriel / Jibril.
Ung nag-iisang babae. Reincarnation niya pala si Sara. Hindi ko rin alam kung patay na ba talaga siya or tulog lang. Pero un, kung hindi sumapi si Sara sa katawan niya, siya ay isa lang lifeless doll.
~~~~~~~
So marami pa talagang characters ung AS. Kaso kung iisa-isahin ko lahat... Hindi ko kaya XD
A basta un. Maganda ung kwento, maganda ung art, at henyo ung mangaka. Kaya in all, magandang manga. Recommended. Kung di niyo pa nababasa, pero kahit nabasa niyo na... Masaya pa ring ulitin XD