[ Finished Version ]
Actually, matagal nang tapos yan. Naipasa na nga e. Pero dahil ako ang pinakamagaling na nilalang sa balat ng lupa, ngayon lang ako nagpost. Si Michelle nga pala nag edit niyan XD Ang empty nung gawa ko e. Haha!
Eto kasi kwento niyan... Nung gabi ngang natapos namin yan, nagkaron kami ng napakalalang problema. WALANG MAY INK SAMIN. Kaya inantay na lang namin ung kinabukasan para magdecide para samin. A, di ba kelangan din meron sa CD? Ayun, isa pang malaking problema.
Di dumating na ung kinabukasan... Naghanap na kami ni Andrea ng pagpipritan. Nakuha na rin namin ung CD kay Michelle nung time na un. Mula Quadri Pavillion hanggang P. Noval Street lang naman nilakad namin >_> Magkabilang dulo lang naman. Nung umabot kaming Jomer's, nalaman naming hindi na re-read ung CD kasi DVD ung CD na ginamit ni Michelle. Buti na lang sa Jolie's may net, kaya nakuha ko ung file at natransfer sa CD. At dahil dun, kasama ung pagpiprint... Inabot kami ng isang oras, muntik-muntikan pang malate sa klase XD Pero ayos lang. Masayang adventure un XDDD