Thursday, August 9, 2012

MGA TAONG GALA

As usual... Ako may pakana.... Nagsimula kasi yan sa gantong chat namin ni Keng... Simpleng chat lang. Kasi nga walang pasok...
Tapos... Dahil hindi kumpleto ang isang "date" pag wala si Yaya... Niyaya ko rin siya. Tsaka kasi wala rin siyang pasok e. E mahirap paniwalain, kaya sabi ko mag online siya. Ayun. Nakita niya wala ring pasok.

Yan... Medyo walang sense ung convo na yan pero whattaheck. Nakakatawa e. So ipopost ko talaga XD
Tapos un na. Narealize namin na marami pang pedeng isama. Kaya nabuo tong wall post na to:
Oo, alam kong walang magbabasa niyan XD Basta ang summary nung wall post... Inaya ko si Trisha, na hindi pa sasama kung hindi pa ko magpaalam kay Tita Beth, at nakaladkad rin ni Yaya si Koji after niyang maging maalindog XD Sa huli, natext ko naman si tita, e di okay na lahat...

- TIME SKIP -- KINABUKASAN -
E di un na. Nagkita-kita na uli kami sa SM. [ HULAAN NIYO SINO LATE 8D ] Tapos after naming bumili ng wire at ng METALLIC PAPER sa department store, tambay mode na naman kami sa Food Court. As in, wala kaming ginawa dun bukod sa tumambay, kumain, magkwentuhan, at mag-asaran. At kumuha ng pics.
Bumili ako dun sa Mochi, ung Japanese Ice Cream stall sa may gitna ng SM. At oo, alam kong nonsensical ung pagpicture sa kanya nung plastic na lang siya XD
Ayan si Yaya na ayaw magpakuha ng pic na kasama si Koji D8 Kawawa naman tuloy si Koji jan, todo effort pa man din magpaganda para kay Yaya XD
UWAA. Nag-iisang kuha ko para sa araw na to XD Kasama ko si Keng. Dapat meron ring isa na kasama ko si Trisha e. Kaso magkatapat kami kaya hirap kunan.
Kinunan ko lang uli nung ubos na. Anung masasabi ko? Magaling lang talaga ko XD
Ayan ung mga taong naka blue. Di ko alam kung pinag-usapan lang nila or nagkata...... Oo, pinag-usapan yan. Hindi ako maniniwalang nagkataon lang talaga XD Epic ng mukha ni Trisha XD
Eto na ung lahat ng pinamili ko ngayong araw. Wires, Mochi, at Metallic Paper... Actually meron pang manga e. Kaso di ko pa napipicturan kaya nevermind XD

~~~~
Ayun... Alam ko. Mas maraming pic ung mga screen caps ko sa mga convo namin. HAHA! E un ung masaya e XD Basta un. Inaantay ko na lang magsembreak para mabulabog ko na tong mga taong to nang walang magagalit sakin XD