Whew. Natapos ko na ung sa Mat-1 XD Sa wakas. Tapos ung susi na mukhang timang lang, napalitan ko na rin.
Erm... Excuse the shots XD Yan na ung pinakamamahal kong damnable pliers na -actually- hindi pa tapos. /(*0*)\ De, isasand ko na lang yan bukas bago magklase. Kasi naman nakalimutan kong bumili ng sand paper kanina bago umuwi e XD Pano kasi, si Sab iniwan kami. LOL. Ayun... Madali lang siyang gawin... Nakakatamad nga lang talaga kasi paulit-ulit ng ika-carve. Hassle e. Basta natapos na siya, tapos ang usapan.
-Mas malaking pic kasi hindi kita sa noisy background XD-
Yan na ung ipapalit ko sa susi. Sabi ko kasi nung una, kabayo, as in, land animal na horse, ung gagawin ko. E tinamad akong pag-aralan ung anatomy. Tapos naalala ko, kahapon pala, may nakita kong pic ng seahorse sa dA. At natuwa ako sa pic na un. Kaya na-inspire akong gumawa ng seahorse. At ayan... Siya ung nabuo sa inspiration ko. Simple lang, 2D din, pero whattahel. Okay na yan kesa naman ung susing parang dinaanan lang ng bagyo. At least yan nakakatayo XD