Uh huh........
Nung unang panahon, sa kailaliman ng mga blog posts ko, dito sa
post na to, may sinabi akong hinding hindi na ko uulit sa realism kasi nakamamatay... Nakamamatay at sayang sa lead. Pero ano yan?
Yan ay carrot. Yan ay isang prelim plate. Prelim plate na due Monday. At mukha ba siyang carrot? Hindi. Hindi ako makikipag-away sa kung ano mang itsura niyan. Kung tingin niyo radish, fine, radish siya. Kung tingin niyo isang bagong klase ng vegetable na ngayon lang nadistkubre, fine, walang angal. Ako mismo hindi ko makitang carrot yan e. Yoko lang ulitin kasi sayang sa papel at lead. At malamang niyan, pag umulit ako, uulit uli ako hanggang sa wala nang papel sa sketchpad ;A;
Actually, maganda pa nga tong nasa pic e. Pero ung nasa totoong buhay.... >___> Grr... Sino ba kasi nagsabing tatlong -carrots- gagawin ko?