MAY NATAPOS NA KO AFTER ONE WEEK NG PAGIGING WAGAS NA BATUGAN, OMG, ANG SAYA KO SOBRA - MASAYANG MASAYA -hindi proud- PERO MASAYANG MASAYA TALAGA DAHIL TAPOS KO NA -medyo- UNG MGA DAPAT KONG TAPUSIN.
Ung sa Drawing Class namin. CARROTS. Oo, kakapost ko lang niyan kahapon e XD Pero ayun o, triplets na sila. Saya ko dahil nga tapos na yan. Actually, madali lang namang gawin e, drawing lang kasi. So wala pang mga 1 oras tapos ko na yan. Pahirapan nga lang sa smudging, pero whattahel.
Ung wire sculptures ko sa Materials XD Grabe, amoy ng kamay ko dahil jan sa mga alambre na yan. Parang halo ng Marty's + kalawang + Oishi na chichirya + chicharon. Epic e.
Okay okay... Ung una... Nagdecide akong hindi siya bubuyog. E kasi masyadong -matangkad- para maging bubuyog e. Di rin pede wasp. So ayon sa pinsan kong magaling -DARCI ROYE LAPUZ- hornet daw yan. De actually, pede siyang wasp or hornet e. Hindi lang talagang bee. A, babawasan ko pa rin pala ung antenna niya. Kasi pag hindi, mukha siyang hybrid ng butterfly at wasp / hornet at dragonfly.
Ung pangalawa, trumpet. Oo, hindi obvious. Kasi magaling ako. Ang taas kasi nung tatlong kung-ano-man-tawag-dun sa gitna e. Dapat maliit lang. E, wala, yan na. SUMAKIT KAMAY KO JAN NO. Kaya hindi ko uulitin yan. Kahit anung mangyari.
At yang pangatlo.... Haha. Joke lang yan. Kung sakali lang wala kong magawa bukas na mas maganda pa jan, yan na ipapasa ko. Kaya good luck sakin XD Kung hindi pa obvious yan ay isang -minadaling- susi na may ~star~ at pop angel's wings XD Pano kasi, sakit na kaya nung kamay ko nung ginawa ko yan. Di ko na kayang bonggahan pa.
Ayun. Na-realize ko lang, nung tinatype ko tong post na to... May pliers pa pala kong dapat gawin. Well Shit. Bukas na un. Sana. Kung hindi. OMG, patay talaga ko XD