Tuesday, January 31, 2012

150th Anniversary na Piso

What is this I don't even.... Isa lang masasabi ko jan, mukhang token ng Tom's World. Ayon kay Paul Jequinto, limited edition lang daw yan. About 150 000 lang ang ginawa. So masaya ko dahil hindi yan gagawing official design ng piso. Pag nangyari un, ewan ko na lang, mukha na talagang play money ung pera. OTL.

Monday, January 30, 2012

Crash Bandicoot

Pinahiram ako ni Koji ng CD sa PS1, Crash Bandicoot. Eto kasi ung hindi ko pa nalaro na Crash Bandicoot sa tatlong series e, so hiniram ko siya. Ngayon... Kelangan ko namang mahiram ung PS1 dun sa kabilang bahay. LOL.

Sunday, January 29, 2012

Ice Breaker

Grrr. Sa sobrang pag-aalala ko dun sa project sa Physics, nakalimutan ko na kelangan pala may ice breakers ung grupo ko bukas para sa computer. Dapat nga mga informative questions ung nandun e, kaso late na nga namin naalala kaya kokology na lang. Tss..
Grabe. Sobrang rushed niyan na hindi ko na dinouble-check kung tama ba ung grammar nung pinag-copy-paste-an ko. Sobrang ayoko na talagang i-check yan.
Yan ung napakagandang convo namin ni Keng kanina sa FB. Pano kasi naalala lang uli namin nung 7:30 na. At nung time na un, busy na kong magbasa ng manga. So kelangan ko talagang i-rush para mahabol ko sched ko XD

Confessions

 Nanakaw ko lang sa dA. LOL.

Confession 1: Your biggest fear.
Makalbo  o(*0*)o

Confession 2: Worst Nightmare.
Makukuha ko na dapat lahat ng gusto kong makuha sa buhay ko. Tapos nagising ako.

Confession 3: Something you wish you could forget.
Ewan. Malamang nakalimutan ko na.

Confession 4: Best dream.
Nakabili ako ng BJD. XD

Confession 5: Favorite memory.
Ung time nung third year na sinabi ko kay Yaya na "Yaya, FAQ--" at ang pagsabi ko ng FAQ nun ay FAKYU.

Confession 6: Worst experience.
Hindi makakain every 5 minutes.

Confession 7: Biggest pet peeve.
HEELS. Kaso kelangan ko ng masanay jan, OTL.

Confession 8: Something you're paranoid about.
TRISHA DUGAY.

Confession 9: What you thought of your current best friend when you met them.
Akala ko matinong tao siya. Hindi pala. LOL.

Confession 10: Your strongest principle/belief.
God exists.

Confession 11: What annoys you the most.
Itch. Yoko talaga ng may makati sakin. Kasi pag kinamot ko na ung part na makati, mangangati na lahat ng surrounding areas.

Confession 12: Something you want to do before you die
MAKABILI NG BJD. BWAHAHAHAHA~ Gusto kong makapunta sa ibang bansa.

Confession 13: Biggest regret.
Akin na un.

Confession 14: Hidden talent.
Er.. Hidden pa ba siya pag sinabi ko dito?

Confession 15: Favorite thing about yourself.
Kamay. Mawala na lahat wag lang ung mga kamay ko. Pinagpapantasyahan ko tong mga to e. XD

Confession 16: One thing you would change about yourself if you could.
Wala naman.

Confession 15: Worst habit.
Nail-biting.

Confession 16: Most important person in your life at the moment.
AKO. HURR HURR.

Confession 19: A skill you wish you had.
Pagiging magaling sa math. Isang bagay na hindi talaga mangyayari kahit anung mangyari.

Confession 20: Biggest compliment you've ever received.
"POGI MO." I know right.

Confession 21: What you hate most about society.
US Government. Pag talaga lang natupad yang SOPA. May mamamatay.

Confession 22: Something that makes you cry.
Anime / video games / manga scenes na nakakaiyak talaga. Or si Trisha Dugay.

Confession 23: Something that makes you laugh.
Mga fail moments ng mga kaibigan ko. Or fail moments ko lang talaga.

Confession 24: Most treasured possession.
RIGHT HAND.

Confession 25: Something no-one expected you to like.
Masyado kong straightforward para magkaron ng unexpected likes.

Confession 26: Strangest hobby.
Kinakausap ko ung kisame ko sa kwarto pag wala kong magawa.

Confession 27: Biggest ambition.
Wala pa. Makagraduate siguro.

Confession 28: Something stupid you used to believe in when you were younger.
Pag nakalunok ako ng seed ng kalamansi, may tutubong halaman sa bituka ko. At nalaman kong hindi pala totoo yan last October lang. LOL.

Confession 29: A random confession.
SHY AKO. Walang aangal. LMAO.

Confession 30: A few words to, honestly, describe yourself.
Outgoing ako ( LOL, kinontradict ko lang ung sagot ko sa confession 29 XD ) pero may limits yan kahit papano. Kahit papano.

10 Songs that inspire you to draw:
1. PONPONPON ( KaizentaiCell Version )
2. Imagination ( by Airi )
3. Prayer ( ACID )
4. My Dearest ( Supercell )
5. Aku no Meshitsukai ( Yamai Version )
6. Snow Fairy ( Funkist )
7. Badbye ( Koman )
8. Can't Sleep But.. ( Muramasa )
9. Who's Gonna Sing ( Prototype )
10. This Night ( Chemistry )
  Ye ye, halos lahat Niponggo.


Saturday, January 28, 2012

Shark Finning

Eto ang sinasabi nilang masarap na Chinese Dish na Shark's Fin Soup. Sikat yan, lalo syempre sa mga Chinese Restaurants, unang una na nga kasi masarap. Marami rin naniniwala na pampalusog to. Meron pa ngang iba na nagsasabi na pag kumain ka niyan, gaganda sex life mo.
Kaso wala naman kasing nakakapagpatunay na healthy tong pagkain na to e. Actually, kung tutuusin, delikado pa nga ata to e. Kasi uso satin magtapon ng basura sa dagat. Syempre ung mga dumi na yun, nasasagap ng mga pating at iba pang marine animals ( bukod sa mga edible na maliliit na isda ) na pag kinain natin, pede pang magdulot ng mercury poisoning. So healthy ba siya? Hindi. Mapapaganda niya ba ang sex life ng isang tao? Lalong hindi.
Eto ay isang pating. Sinasabi na siya daw ang pinakakinatatakutang predator sa dagat. Lalo siyang kinatakutan nung lumabas ung movie na Jaws. Matagal tagal na ring buhay yang lahi niyan. Mga around 430 million years lang naman. So nauna pa sila satin.
Nakakatakot sila kasi may mga sobrang matatalas na ngipin sila. Na kaya pang tumubo ng paulit-ulit pag nalaglag man. Nakakatakot sila kasi malaki sila. At ayon sa Jaws, nangangain ng tao. Pero kung tutuusin, 4 na tao lang ang namamatay dahil sa pating every year. Mas marami pang napapatay ang aso or ang pagtawid sa kalsada every year. Napaka-ironic kung titignan.
Mga pating pa nga dapat matakot sa tao e. Around 70-100 million na pating ang pinapatay every year. Bakit? Para sa fins nila. Bakit? Para sa shark's fin soup na pangpaganda daw ng sex life. The hell.
Pinapatay sila para jan. At sobrang brutal ng shark finning process. Sobrang brutal na, ok, hindi tamang term pero what the heck, hindi na makatao.
May mga illegal fishermen na nanghuhuli ng pating kahit bawal na. At habang buhay pa ung pating, tinatanggal nila lahat ng fins nun. Masaklap di ba? Okay, sabihin na nating mabilis ang recovery ng mga pating. Totoo un. Pero pag ikaw ba natanggalan ng kamay, kahit ba maghilom ung sugat, okay ka na uli? Malamang hindi. Para sa pating, pinakaimportanteng parte ng katawan nila, ung mga fins nga nila. Bakit? Kasi ang pating, nalulunod. Yes, nalulunod sila. Para hindi sila malunod, kelangan laging in motion sila, in short, lagi dapat silang lumalangoy. Kapag natanggalan sila ng fins, malamang hindi na sila makakalangoy di ba?
Ung mga pating na yan na tinatanggalan ng palikpik, tinatapon uli sa dagat - HABANG BUHAY PA SILA - para mamatay na lang. Isa ung proseso ng slow and painful death. Hindi sila mamatay hanggang sa umabot na sila sa sea floor.
Magiging ganyan na lang sila. Nakahilatay sa mga batuhan after torture. Ang saklap talagang isipin na ung tinatawag na top predator, namamatay ng pathetic death dahil sa illegal na gawain ng mga mangingisda.
Isa pang note, kahit gano na katagal yang lahi nila sa mundo, syempre may hangganan pa rin un. Isang fact na endangered species na nga talaga sila. Gaya nga ng sabi ko kanina, about 100 million ung kinakatay na pating every year. Kaso, every year din, 2-20 pups lang ang pinapanganak. So hindi na talaga dapat tayo magtaka pag siguro after 10 years, extinct na sila.

Anung point ng blog post na to? Gusto ko lang talagang ilabas tong sama ng loob ko tungkol sa Shark Finning. Actually, matagal ko ng sinasaloob to e. Kaso nun wala pa kong blog na pedeng pagpostan. Naisip ko lang magpost tungkol dito nung napanood ko kani-kanina lang ung Kapuso Mo, Jessica Soho. LOL.
So un na nga, against ako sa shark finning. Kasi unang una, cute ang mga pating para sakin. Pangalawa, hindi na talaga makatarungan ung ginagawang pagpatay sa kanila na minsan nandidiri akong isipin na kasabay kong humihinga ng parehong hangin ung mga taong gumagawa ng massacre ng mga pating. Pangatlo, sobrang importante ng mga pating sa ecosystem natin na pag nawala sila, ung mga isda na kinakain nila, kakainin ung mga plankton na nagpoproduce ng oxygen.

Ako na activist, LOL.

Very Late

Isang very very very late na pamasko galing sa mga tao dun sa Batangas. Pano ko nakuha? Kasi sila mommy, pumunta dun kanina. May reunion ata. Basta, isang napaka-importanteng gathering nun kanina na si Kuya Rex kinelangan magleave sa trabaho. Dahil magaling ako, ako lang naman ang wala dun. Pero kahit ganun binigyan ako niyan XD So may dagdag akong 500 php sa ipon ko. At no, hindi ako manlilibre.

Disclaimer: Inuulit ko, hindi ako Chinese.

Thursday, January 26, 2012

Doodles sa Klase

Crappy shots are freakin' crappy. Napakagaling na camera talaga. OTL.
Kasi kaninang TLE time, wala kong magawa. So ang ginawa ko, namili ako sa mga notebook ko kung anung pedeng malagyan ng panibagong drawing. At ang napili ko, ung AP. So nagdrawing nga ako. Nung una kasi, gusto ko lang magpractice sa anatomy. E naka-sports attire ung dinrawing ko. Kaya naisipan kong magdrawing ng kung anu-ano pang kung ano na related sa sports. Hanggang sa naging ganyan na nga ung kinalabasan.
Actually, ung point ko talaga ng pagdrawing kanina, is iimprove kahit pano ung style ko. May konting improvement naman kahit papano. So masaya talaga ko. Kaso malamang ako lang nakakapansin nung improvement nga na yon. LOL.

Wednesday, January 25, 2012

Kuting

Isang araw, nagkaron bigla ng kuting na pagala-gala sa fourth floor ng kaharian ng Don Carlo Cavina School. Walang may alam kung san galing ung kuting na yun. Basta ang alam lang ng mga tao sa nayon ng St. Lorenzo, bigla lang siyang sumulpot dun.



Siguro, dahil nga sa sobrang cute nung kuting, may isang babaeng nilalang na nagngangalang Trisha ang kumupkop sa kanya. Natuwa siya sa three-week old na kuting kaya un, tinawag niya ang alila manservant lackey dog dakilang utusan, si Koji, para bumili ng gatas at painumin ung kuting.


Dahil nga sa sobrang cute ng maliit na kung-ano-man-to, maraming mga dayuhan, ako at si Yaya at si Paul, mula pa sa kabilang nayon, St. Therese of the Child Jesus, ang dumayo sa St. Lorenzo. Ang munting pusang ito na napakahirap kunan ng picture ay napaka-spoiled pala. Grabe.



Siya na talaga cute. Di yun na nga. Natuwa ang dayuhang Yaya at binigyan siya ng temporary name, Midnight. Bakit? Ewan ko sa kanya.
Si Midnight, nanatili sa nayon ng St. Lorenzo sa loob ng matagal na span ng 3 hours. Nung nag-math time na sa kanila, nagdesisyon ang pusa na ayaw niyang mag-math kaya naglakbay siya patungong St. Therese. Ako ang naging tagapangalaga niya via voluntary force. Natuwa ang mga kalalakihan, Ben, Rolando, at Julius, na kapitbahay ko, kaya kinupkop nila ang pusang mahilig magligalig. English Time namin nun, at lumipas na ang trenta minutos pero di pa rin napapansin ni Ms. Pearl, ang pinakamagandang nilalang ng mundo daw. Napansin lang niya nung nag-ingay si Ben. Kaya yun, kelangan kong ikulong sa palda ko ung kuting. Eto namang kuting na to, petiks petiks lang. Natulog. Magaling talaga. Nung hindi ko na talaga kinayang magbabysit sa kanya, nagpadala ako ng sulat kay Trisha na nasa kabilang nayon pa.
HOY KUNIN MO NA TONG KUTING!!!!!
Naghintay ako ng limang minuto bago siya nakapagpadala ng reply niya. At nung binasa ko na nga ang liham niya, naasar ako. Eto ang nilalaman ng sulat:
Nandito pa si Ms. Cris
MaiGad. "Shit" na lang ang nasabi ko sa sarili ko. Sinumpa ko ung natutulog na kuting sa palda ko sa pagbibigay sakin ng kamalasan. Kaso ang cute niya talaga. Kaya binawi ko ung sumpa. TROLLOLLOL.
Matapos ang ilang mahabang sampung minuto, nagtungo na nga si Trisha sa nayon namin para kunin ung kanyang inampong kuting. At magmula nun, hindi na uli nagpakita pa sa St. Therese ang munting kuting na mahilig magligalig. 
 

Tuesday, January 24, 2012

The Rabbit Who Wanted Red Wings... Again

So may encore performance ung play na yan. Kaso ngayon, ang audience, mga taga ibang school... At hindi naman sa nandidiscriminate ako a, pati kung sino sino na lang na labas pasok sa school. Kaasar lang e. So para saan pa ung binayaran na 50php para dun sa ticket nung unang play last year? Para sa wala? At bakit kung sino sino lang pinapapasok nila? Hindi nga nanonood ung iba e. Nakakabastos lang
.
Anyway... Nag-enjoy naman kami sa canteen kanina. Kasi kahit bad trip kami kasi nga kinuha na naman kami para magpaint ng mga mukha, sobrang tawanan naman nangyari sa baba.
Nung una, tinadtad ako ng asar nila Koji, Trisha, at Nick Paul. Kasi hindi kami binigyan ng pagkain nung una. Nung nagsimula na kaming magpaint... Syempre kinelangan ko nga lang talagang gumanti. XD
 
Yan, as usual, si Koji ung paborito nung mga bata. Kinelangan talaga nilang lagyan siya ng face paint.... Sa mukha at sa mga braso niya. Ako naman to si ganti, gaya naman sa kanila.

Tapos syempre ang kukulit nung mga bata. Kinuha ung cam ko, tapos kung anu ano kinunan ng pics. LOL. Pero masaya.

Yan naman ung mga tao sa gym. Ewan. Iba ibang schools, tapos ung ibang mga bata imbes manood, naghaharutan.


May intermission number din pala ung ACAPIA Band, sina Keng. Tatlo kinanta nila e. Naaalala ko lang Price Tag tsaka Super Bass. Malay ko ung isa. After ng performance nila, uwi na kami. Pagod e. Tsaka hassle manood uli. Gusto ko na rin magpahinga e. LOL.