Saturday, January 28, 2012

Shark Finning

Eto ang sinasabi nilang masarap na Chinese Dish na Shark's Fin Soup. Sikat yan, lalo syempre sa mga Chinese Restaurants, unang una na nga kasi masarap. Marami rin naniniwala na pampalusog to. Meron pa ngang iba na nagsasabi na pag kumain ka niyan, gaganda sex life mo.
Kaso wala naman kasing nakakapagpatunay na healthy tong pagkain na to e. Actually, kung tutuusin, delikado pa nga ata to e. Kasi uso satin magtapon ng basura sa dagat. Syempre ung mga dumi na yun, nasasagap ng mga pating at iba pang marine animals ( bukod sa mga edible na maliliit na isda ) na pag kinain natin, pede pang magdulot ng mercury poisoning. So healthy ba siya? Hindi. Mapapaganda niya ba ang sex life ng isang tao? Lalong hindi.
Eto ay isang pating. Sinasabi na siya daw ang pinakakinatatakutang predator sa dagat. Lalo siyang kinatakutan nung lumabas ung movie na Jaws. Matagal tagal na ring buhay yang lahi niyan. Mga around 430 million years lang naman. So nauna pa sila satin.
Nakakatakot sila kasi may mga sobrang matatalas na ngipin sila. Na kaya pang tumubo ng paulit-ulit pag nalaglag man. Nakakatakot sila kasi malaki sila. At ayon sa Jaws, nangangain ng tao. Pero kung tutuusin, 4 na tao lang ang namamatay dahil sa pating every year. Mas marami pang napapatay ang aso or ang pagtawid sa kalsada every year. Napaka-ironic kung titignan.
Mga pating pa nga dapat matakot sa tao e. Around 70-100 million na pating ang pinapatay every year. Bakit? Para sa fins nila. Bakit? Para sa shark's fin soup na pangpaganda daw ng sex life. The hell.
Pinapatay sila para jan. At sobrang brutal ng shark finning process. Sobrang brutal na, ok, hindi tamang term pero what the heck, hindi na makatao.
May mga illegal fishermen na nanghuhuli ng pating kahit bawal na. At habang buhay pa ung pating, tinatanggal nila lahat ng fins nun. Masaklap di ba? Okay, sabihin na nating mabilis ang recovery ng mga pating. Totoo un. Pero pag ikaw ba natanggalan ng kamay, kahit ba maghilom ung sugat, okay ka na uli? Malamang hindi. Para sa pating, pinakaimportanteng parte ng katawan nila, ung mga fins nga nila. Bakit? Kasi ang pating, nalulunod. Yes, nalulunod sila. Para hindi sila malunod, kelangan laging in motion sila, in short, lagi dapat silang lumalangoy. Kapag natanggalan sila ng fins, malamang hindi na sila makakalangoy di ba?
Ung mga pating na yan na tinatanggalan ng palikpik, tinatapon uli sa dagat - HABANG BUHAY PA SILA - para mamatay na lang. Isa ung proseso ng slow and painful death. Hindi sila mamatay hanggang sa umabot na sila sa sea floor.
Magiging ganyan na lang sila. Nakahilatay sa mga batuhan after torture. Ang saklap talagang isipin na ung tinatawag na top predator, namamatay ng pathetic death dahil sa illegal na gawain ng mga mangingisda.
Isa pang note, kahit gano na katagal yang lahi nila sa mundo, syempre may hangganan pa rin un. Isang fact na endangered species na nga talaga sila. Gaya nga ng sabi ko kanina, about 100 million ung kinakatay na pating every year. Kaso, every year din, 2-20 pups lang ang pinapanganak. So hindi na talaga dapat tayo magtaka pag siguro after 10 years, extinct na sila.

Anung point ng blog post na to? Gusto ko lang talagang ilabas tong sama ng loob ko tungkol sa Shark Finning. Actually, matagal ko ng sinasaloob to e. Kaso nun wala pa kong blog na pedeng pagpostan. Naisip ko lang magpost tungkol dito nung napanood ko kani-kanina lang ung Kapuso Mo, Jessica Soho. LOL.
So un na nga, against ako sa shark finning. Kasi unang una, cute ang mga pating para sakin. Pangalawa, hindi na talaga makatarungan ung ginagawang pagpatay sa kanila na minsan nandidiri akong isipin na kasabay kong humihinga ng parehong hangin ung mga taong gumagawa ng massacre ng mga pating. Pangatlo, sobrang importante ng mga pating sa ecosystem natin na pag nawala sila, ung mga isda na kinakain nila, kakainin ung mga plankton na nagpoproduce ng oxygen.

Ako na activist, LOL.