Wednesday, January 11, 2012

Doubt

Rabbit Doubt by Tonogai Yoshiki. Isang horror and gore-themed manga na sinubaybayan ko nun. At dahil wala kong mabasa, binalikan ko. LOL.
So ang plot ganto... Meron isang fictional game na tinatawag na "Rabbit Doubt". Ung mga players, ang characters nila, rabbits. Isa sa mga rabbits, pinipili randomly para maging "Wolf" disguised as rabbit na magi-infiltrate nung grupo. Every round, kelangan mahulaan kung sino ung wolf. At sa every round din na un, kumakain ung wolf ng isang rabbit. So isa lang simpleng game, parang Killer lang.
Ang nangyari nga lang ngayon, may 5 magkakaibigan na biglang "na-kidnap" habang unconscious sila at napadpad sila sa isang abandoned psychiatric hospital. So isa-isang nauubos ung magkakaibigan dahil isa nga sa kanila, ung napiling Wolf na pumapatay sa kanila.

Bakit ko nagustuhan ung Doubt... Kasi brutal. Hindi, actually, hindi naman. Okay lang. Puro nga lang patayan. Kaya ayos lang. Syempre mas brutal pa rin talaga ung manga ni Ito Junji, pero gusto ko pa rin ung Doubt kasi napaisip ako kahit pa pano e. Un. Tsaka heck, sinong makakatanggi sa murderous rabbit?