Siguro, dahil nga sa sobrang cute nung kuting, may isang babaeng nilalang na nagngangalang Trisha ang kumupkop sa kanya. Natuwa siya sa three-week old na kuting kaya un, tinawag niya ang
Dahil nga sa sobrang cute ng maliit na kung-ano-man-to, maraming mga dayuhan, ako at si Yaya at si Paul, mula pa sa kabilang nayon, St. Therese of the Child Jesus, ang dumayo sa St. Lorenzo. Ang munting pusang ito na napakahirap kunan ng picture ay napaka-spoiled pala. Grabe.
Siya na talaga cute. Di yun na nga. Natuwa ang dayuhang Yaya at binigyan siya ng temporary name, Midnight. Bakit? Ewan ko sa kanya.
Si Midnight, nanatili sa nayon ng St. Lorenzo sa loob ng matagal na span ng 3 hours. Nung nag-math time na sa kanila, nagdesisyon ang pusa na ayaw niyang mag-math kaya naglakbay siya patungong St. Therese. Ako ang naging tagapangalaga niya via voluntary force. Natuwa ang mga kalalakihan, Ben, Rolando, at Julius, na kapitbahay ko, kaya kinupkop nila ang pusang mahilig magligalig. English Time namin nun, at lumipas na ang trenta minutos pero di pa rin napapansin ni Ms. Pearl, ang pinakamagandang nilalang ng mundo daw. Napansin lang niya nung nag-ingay si Ben. Kaya yun, kelangan kong ikulong sa palda ko ung kuting. Eto namang kuting na to, petiks petiks lang. Natulog. Magaling talaga. Nung hindi ko na talaga kinayang magbabysit sa kanya, nagpadala ako ng sulat kay Trisha na nasa kabilang nayon pa.
HOY KUNIN MO NA TONG KUTING!!!!!
Naghintay ako ng limang minuto bago siya nakapagpadala ng reply niya. At nung binasa ko na nga ang liham niya, naasar ako. Eto ang nilalaman ng sulat:
Nandito pa si Ms. Cris
MaiGad. "Shit" na lang ang nasabi ko sa sarili ko. Sinumpa ko ung natutulog na kuting sa palda ko sa pagbibigay sakin ng kamalasan. Kaso ang cute niya talaga. Kaya binawi ko ung sumpa. TROLLOLLOL.
Matapos ang ilang mahabang sampung minuto, nagtungo na nga si Trisha sa nayon namin para kunin ung kanyang inampong kuting. At magmula nun, hindi na uli nagpakita pa sa St. Therese ang munting kuting na mahilig magligalig.