Bumili ako ng dalawang manga nung Sabado, nung nagpunta kami ng SM. At na-realize kong nagsayang ako ng 290 PHP para dun. Ngayon, broke na ko. OTL. Kaasar.
So bumili ako ng Shichi Henge, na gustong gusto ko talaga at alam kong kinagigiliwan din gn mga taong katabi ko sa school, at ung The Demon Ororon. Natuwa ako sa kwento kaya ko binili un. Tsaka Volume 1 kasi e. Mahirap na makahanap ng manga na may vlume 1 ngayon sa SM. Kaya kinuha ko na rin.
Siguro pagbalik kong SM, bibili uli ako ng ibang volume ng Shichi Henge. Nag aantay din si Ate Ericka ng iba e. Nawili siya.