Sunday, January 1, 2012

Happy 2012 New Year!

BAGONG TAON NA NAMAN~



Nakakuha ako ng ilang pics ng fireworks. Ganda. Nung fireworks. Hindi nung mga kuha ko. /OTL At masasabi kong nahirapan ako kumuha ng pics niyan kasi troll-shit ang ginagawa ng fireworks na yan. Kung kelan ako tumalikod tsaka dun nagpapaputok sa side na yun, pag haharap na ko biglang walang magpapaputok sa side na un. OTL.
Kaso di ako makalabas ng bahay, naka-lock ung gate. Ang saklap. Oo, isang masaklap na new year. Pero ayos lang. Yoko rin lumabas ng gaano. Di ko nga makaya ung amoy ng paputok dito pa lang sa loob e, sa labas pa kaya.
A, di ko rin pala nakalimutan tumalon. Syempre. Gusto ko pang tumangkad e XD So ilang beses ako nagtatalon dito sa bahay. Para kong timang XD
So siguro panahon na para mag-isip ng New Year's Resolution? Kasi unang-una, pagdating ng pasukan, malamang aaranda na naman ung mga teachers sa mga tanong nila na "Ano ang New Year's Resolution niyo ngayong 2012?", at pangalawa, kelangan ko talaga nun dahil apat na taon na kong walang ganun dahil tintamad ako mag-isip. Siguro maganda na ung kahit man lang sa huling taon ko sa HS may resolve ako no? Or hindi kaya un na lang ung New Year's Resolution ko? Ung makapag-isip ng New Year's Resolution? Every year? Trollollol.
O basta un. Manigong Bagong Taon~ Sana ngayon, hindi maging kasing malas ng 2011 ung 2012. LOL.

[EDIT]: Ayan na. After 30 seconds, kinelangan ng edit. Nararamdaman kong magiging productive tong taon na to. Nafi-feel ko na. Parang mawawala lahat ng katamaran na nasakin. GRABE! Feel na feel ko ung 2012!!! /Sarcasm. /Gets Shot. /OTL.