Third book ng Hush, Hush Series. Actually, nung Sabado ko pa hiniram yan kay Yaya. Kaso dahil ngayon ko lang naisipang kunan ng pic, ngayon lang rin ako nagpost. Yan din pala ang aking bedsheet.
So bale kung ikukumpara ko sa Hush, Hush, ung first book, mas maganda talaga ung una. Ewan ko kung bakit. Hindi talaga ko na-bore nung binabasa ko ung Hush, Hush e. Sa Crescendo naman, second book, medyo na-bore ako. Pero ayos lang rin naman. Nagkaron kasi ng maraming twists sa second book e. Tapos yang Silence. Medyo boring nung una, na naging nakakasindak na nakaka-excite, na naging boring na naman at predictable, na naging okay din sa huli. Akala namin ni Yaya yan na ung last book. Ang pagkakaalam talaga namin last book na yan. Pero mukhang hindi. May lalabas pa atang fourth book. At kung kelangan ko talagang magbigay ng spoiler..... Baka magkaron ng war ang Archangels at Nephilims. So gusto ko na talagang lumabas ung presumably last book na.
Side Note:
Speaking of librong gusto ko nang ma-release at mabasa... Inaantay ko pa rin ang Sword of Hanalea ng Demon King Seven Realms Series.