Monday, January 2, 2012

DREADFUL PASUKAN

Argh. Okay, meron kaming maagang pasukan. At bukas na un. Yoko pang pumasok. Marami akong dahilan T_T
  • Tinatamad pa ko.
  • Wala pa kong nagagawang productive sa loob ng 2 week-vacation namin.
  • Tinatamad pa ko.
  • Hindi pa ko tumataba (*o*)
  • Tinatamad pa ko.
  • Gusto ko pang matulog ng maaga. At by maaga, ang ibig kong sabihin early in the morning. 2:30 AM.
  • Tinatamad pa ko.
  • Di pa ko ready.
  • Kasi tinatamad pa ko.
  • Wala pa kong New Year's Resolution. WALA PA KONG ISASAGOT SA MGA TEACHERS!
  • Nakakatamad talaga.
Hindi pa nga papasok ung mga kapatid ko e. Tinamaan din ng katamaran ung mga tao sa bahay. Ako naman, kelangang pumasok.... Kasi ayokong malamatan ng absent ung perfect attendance ko. Oo, ung perfect attendance ko lang ung motivation kong pumasok. Bukod sa mga tropa ko. LOL.
Orz. Kelangan ko talagang matulog ng maaga ngayon. Kaso naka-set ung body clock kong matulog ng madaling araw. At ung gising ko 4:30 AM! So ang tulog ko na naman, 2 oras lang??? OTL.