Thursday, May 12, 2011

Training Day 3

Waa.. Ang tagal ko nang di nagpopost. OTL

O un... Nung Day 3 namin... Na-late ako ng pasok. Bakit? Ganto history nun.
Gumising ako ng 4 dahil maagang aalis ung mga tao sa bahay kasi may swimming sila. Dapat 6 aalis na sila. Ako naman, bago mag-6, nakaalis na. So nagkita-kita na uli kami sa MiniStop... Ako pinakaunang dumating. Un. Nung nasa Zapote na kami, tinawagan ako ng nanay ko. Umuwi daw ako. Bakit? Kasi naiwan daw ng isang CERTAIN SOMEONE na nakasaksak ung rice cooker. So dahil no choice ako. Umuwi ako. At promise. Habang papauwi ako, sinusumpa ko silang lahat OTL. Di un. Mga 9 na ko nakapuntang training. Sa huli, ako most punctual at most tardy. Bwisit. Bale nanggagalaiti ako sa galit maghapon.