Saturday, May 14, 2011

Training Day 5

Last day na ng training namin. Team Building ang ginawa namin. Kung anu man un... Hindi ko na pedeng sabihin.
So medyo maaga kaming nakapasok kasi mga 6:45 kami umalis sa MiniStop. Nagkaron kami ng bagong teams sa training. At syempre may mga "games" kaming ginawa courtesy of Sir Gary. Masaya sobra.
Nung lunch na, pinaakyat kami sa gym ng St. Andrew's. At OTL, ngayon lang ako nakapunta sa gym na kelangan mong akyatin sa sixth floor. Sabi nga ni Yaya, kung magkakaron man ng basketball game dun, bago pa magsimula ung game, pagod na players. Grabe taas talaga. Pero sobrang cool nung loob. Except kulob siya, maliit ung stage, AT SOBRANG INIT SA LOOB. Pero aircon naman e so yeah XD May last activity kaming ginawa at ung group ko, dahil mga pabida kami, dun kami sa gitna pumwesto. LMAO.
Di un na nga. Nung natapos ung activity na un, free time hanggang 4:30. Yeah, sobrang masaya. Dumating uli ung mga officers na dumating kahapon. At kinukulit nila si Lola. At sobrang natatawa ako sa kanila XD Basta masaya ng sobra ung last day. Sayang nga lang di kami kumpleto. Wala kasi sila Dothy, Alou, tsaka Ulob e.
Masasabi kong excited na ko sa 25. Pero ayoko ring mag-25 kasi parang kinakabahan ako kung anong rank ang makukuha ko. OTL. Pero EXCITED TALAGA KO.
Speaking of ranks... Natatawa ko kay Regie tsaka Abby. Sabi kasi ni Regie kay Sir Gary, gusto niya daw mag Composite Commander kahit wala siya cellphone. Si Abby naman Assistant Composite daw. LMAO. Basta ang saya kausap ni Sir Gary. Nakakatuwa siya e XDDD