Saturday, March 31, 2012

Pinakamasayang Ka-chat sa Lahat

Etong taong tong nagngangalang Ashley Viray na tinatawag kong Keng o Kengkay kasi magaling ako at pogi ako XD


After ilang araw na hindi kami nagkakausap, kelangan ko lang talaga siyang buhusan ng pagmamahal ko sa pamamagitan ng mga walang sense kong logic. At alam naman nating mahal din ako ni Keng e. NO, KENG? XD

At napansin ko lang.... Pag siya ka-chat ko.. Parang hindi ata ako nawalan ng "XD" sa bawat reply. Kakaiba men, LMAO.

Party Hard

Kahapon kasi inimbitahan nga kami ni Paul na pumunta dun sa something na party ek-ek. At un. Kasama ko sila Ate Ericka, Howie, Angelique, Princess, Nic, Ate Dawn, Gehl, Alou, at mama ni Alou. Naparami ako ng nakain kahapon pero ayos lang. Solve naman ako e. Eto, ilang pics na nanakaw ko kay Angelique.




AKO NA POGI. Nung time na yan, nasa loob kami ng kubo. Oo, may kubo dun sa venue. At ung mga taong kasama ko, sobrang nawili sa loob nun. At nag party hard talaga sa loob sa point na kinelangan pa nilang patayin ang ilaw at isara lahat ng bintana for the heck of it.

Masaya naman ung party. Kaso mas pinili kong magligalig sa labas kasi ang init talaga sa loob kasi kulob e. So tambay tambay rin kami sa labas pati sa MiniStop.

Theme 6: Pop Cloud

OMG. Nabuksan ko uli siya sa SAI. AKO NA PINAKAMASAYANG NILALANG SA BALAT NG LUPA. Eto ung sinasabi kong biglang hindi ko mabuksan dahil sa kung-sino-mang-nakakaalam-kung-bakit na dahilan.
Anyway, ang theme ko kasi Pop Cloud di ba? Pero kahit sang angulo ka tumingin jan, wala kang makikitang cloud. Pwera na lang siguro kong ang tingin mo dun sa mga bokeh-things na un, cloud. Kasi naman, ang pagkakaintindi ko sa Pop Cloud, Aurora Borealis. So ginawa ko siyang Aurora Borealis. At nung natapos ko na... Tae. Hindi pala yun ganun. Pero whattaheck. Kahit papano nagmukhang "cloud" ung aurora + bokeh kaya ok na yan. XD

Friday, March 30, 2012

Mga Kamalasan

Tae a, Ngayong araw na to tinadtad ako ng sandamakmak na kamalasan. Isa tong first sakin kasi never akong tinamaan ng sunod-sunod na malas sa loob lang isang araw.

  • Nakatulog ako ng 5 AM kasi ewan ko kung bakit. Nagising ako ng 8 AM at hindi na ko nakatulog ng matino pagkatapos nun.
  • Naputol ung kuko ko sa left hand index finger kasi tumama sa pader.
  • Ung desktop icons, ewan ko kung anung ginawa ng magaling kong kapatid na lalaki, pero lahat ng icons naging BitTorrent Icons.
  • Ung something na pinagpuyatan ko sa SAI ng dalawang araw, biglang hindi maopen sa SAI. At ewan ko kung bakit.
  • Nagsayang ako ng limang texts kay TRISHA DUGAY na sa huli, hindi rin naman pala makakasama kasi aalis sila ni Tita.
  • Nagmamadali ako papuntang SM... At ung trike driver ayaw magspecial, tae niya.
  • Sumakay ako ng jeep. Nung nasa tapat na ng SM, huminto siya. Kung kelan ako bababa, tsaka umandar. Kaya hindi na uli ako sasakay ng jeep kahit kelan.
  • ANG SABI KASI, 5:30 pm SHARP DAPAT NASA TAPAT NA NG SIZZLING PLATE. DI BA PAUL JEQUINTO?
  • AT ANG SABI KASI, MAGPAALAM NG MAAGA PARA MAKASAMA, DI BA EDRICK STEIN?
  • Tapos yang Paul nga na yan, pinaghintay kami sa SM ng isang oras.
  • Nung nag-CR kami, dun siya dumating.
  • TAPOS PINAGMADALI KAMING BUMABA.
  • Tapos 7:30 na kami nakapunta sa Venue kasi magaling si Paul at hindi sinabihan ung mga susunduin.
  • Speaking of susunduin.. PEDE NAMAN PALANG SUNDUIN SA BAHAY, NAGSAYANG PA KAMI NG PAMASAHE PAPUNTANG SM.
  • Inatake ako ng motion sickness.
  • Sumobra ko sa intake ng iced tea dahil kay Paul.
In short, nakakabwisit talaga tong araw na to.

Thursday, March 29, 2012

Theme 5: Will o'Wisp

Tae. Nakamamatay kulayan ang buhok. At nakakaasar gawin ung mga flying orbs na black will o'wisps na yan. Muntik muntikan ko na ngang sukuan e. Kaso naaalala ko na wala pa pala kong update dun sa themes. Para nga ring walang theme to e. Kasi. Dapat talaga wala. Kaso binalikan ko un listahan nung themes baka sakaling may dagdag ako. At un, nakita ko ung Will o'Wisp. E di un. un ung madali e.

5 Years Old

LOL. May naalala kong ginawa ko nung 5 years old ako. Eto promise totoo. Walang imbento-imbento. Kahit itanong niyo pa lahat ng tao sa bahay.

Ganto kasi un.....
Nung 5 years old ako, eto ung first incident. Papalapit na ung birthday ni Gelo, ang aking dear brother, at ako si ate na mabait nun. So nun, si Gelo, 1 or so pa lang. So kinakarga a siya.
Pumunta kaming SM para mamili. Ung usual shopping ek ek lang naming pamilya. Napadpad kami sa Toy Kingdom. At dahil nga mabait na ate ako, sabi ko "Bili lang akong regalo kay Gelo", at tumango naman tatay at nanay ko. E di ba, malaki pa ung Toy Kingdom nun? At maliit pa ko nun. So nung wala akong mapili, binalikan ko ung lugar kung san man nandun ung parents ko. At laking gulat ko ng wala sila dun.
So dapat pupuntahan ko ung guard para magtanong. Kaso hindi ko na natanong. Bakit? Kasi nahiya ako. OO. MAHIYAIN AKO NUN. HANGGANG NGAYON XD
Di un na, di ko kinayang magtanong kaya nagdecide akong umuwi mag-isa. UMUWI AKO MAG-ISA YE. FIVE YEARS OLD AKO. MULA SM HANGGANG 25 TIDY TIPS. Gahd.
Naalala ko pa nga ung suot ko nun e. Puting blouse tsaka leggings na dark blue na may maliliit na flower designs. Buhay pa ung leggings, suot nga ni Angeni kanina e.
Nakauwi naman ako. Pero naranasan ko ung first near-death experience ko. Muntik na kong masagasaan ng taxi nung tumatawid ako dun sa papuntang Marcos Alvarez XD
Habang umuuwi, poker-face ako. Nung nakarating ako sa bahay, hagulgol ako sa iyak. LMAO.


Ung next incident naman... Ang preschool na pinapasukan ko nun, nasa Manuela, so lagpas Times, lagpas Perps. 5 din ako nun. Andaming nangyari sakin nung 5 ako XD
Ganto, mga 6 na nun, wala pang sumusundo sakin. Ang usual na sumusundo sakin nun, si Mama. E nung time na un, may sakit siya, e di niya nasabihan si Papa. So wala talagang may balak sumundo sakin nun. E di ako naman tong si naiinip sa school. Kasi tapos ko na ung mga assignment s nun. So dahil noon pa lang, magaling na bata na ko, tumakas ako ng school at nagdecide umuwi mag-isa. At nasan ang preschool ko nun? Nasa pinakaloob ng Manuela. As in.
Umabot ako dun sa may lagpas ng onti sa Perps hanggang sa may nakakita saking mabait na babae at hinatid ako hanggang Police Station. Nakita niya daw kasi akong naglalakad, e umuulan nun, ang "payong" ko lang ung plastic envelope ko, kaya ayun, tinulungan ako.
Nung nandun na sa may San Antonio, naglakad na ko pauwi. Or un na ung sa pagkakaalala ko. Hazy na memories ko pagdating dun sa insidente na un e. Basta ang naalala ko na lang, kinabukasan, pagpasok ko ng school, tinadtad ako ng asar at sermon nung mga teachers kasi nga nalaman nilang ganun ung nangyarin. Galing ko daw kasi e.

Habang sinusulat ko to, tawa ko ng tawa, so malamang maraming words dito na mali spelling. Ewan. Nakakaasar kasi. Di ko mapigil tawa ko pag naalala ko ung mga nangyari sakin nun. Epic e. At habang sinusulat ko rin to, may weird feeling na parang napost ko na to dito dati sa blog. Ewan.
So nung bata ako, meron akong napakagandang memory. Ngayon. Anung nangyari? XD

Ehem.

Kasi may isang taong nagpost sa blog niya. So gusto ko lang sagutin ung post na un. Eto na:
Hindi ko alam kung sadya o hindi, pero hindi yan ung title nung kanta namin XD /Gets shot. Basta yan ung title ng post niyang napakakwela. Puro pics pero inenjoy ko ung pagbabasa nung mga konting text na nandun.
Oo, Angelique, mamimiss ko kayong lahat, wag ka mag-alala. You're welcome sa lahat XD De, salamat din sa lahat. Hindi naging boring ung Senior Year ko dahil sa inyo. At higit sa expectations ko ung pagiging close ng batch niyo sakin. MAHAL KO KAYONG LAHAT! XD

Eto pa pala:

Tae. Mukha kong bading. Ang sabi kasi, kay JB ung isa, kasi naunang humingi sayo un. No? Grabe, tapos ung scanned pic lang ung kanya. Galing mo men.

Wednesday, March 28, 2012

Design

Gahd. Ako na talaga may makulit na utak. Ngayon lang nagregister sa utak ko na pink ung design nung blog for ilang araw din un a. XD Grabe men. Kakaiba talaga. Di ko alam kung mamamangha ba ko o maasar e.
Useless post. /Shots.

Grabe, ngayong bakasyon na, isa lang ibig sabihin niyan. BOREDOM. MAMAMATAY AKO SA BOREDOM LIKE YE. Kelangan may magawa akong productive. Pero wala kong idea kug ano. Shet.

Tuesday, March 27, 2012

Expressions

Nabuhay akong nagsasabi ng iba't-ibang expressions sa pang-araw-araw na paglalakbay ko sa buhay na to. At ngayon ngayon ko lang na-realize un. So gusto kong ilista lahat men. As in lahat ng naaalala ko ng pedeng ilagay dito sa post na to.

  1. Saa. Ang ibig-sabihin niyan, malapit sa "Tara na" or "Now" or something. Siguro yan ung expression na hindi ko nakakalimutang sabihin araw-araw talaga.
  2. Oyoyo? Kadalasan parang patanong ung pagsabi ko niyan. Madalas ko yang sinasabi pag nagtataka ko sa mga sinasabi nung mga tao sa paligid ko.
  3. OMAIGAHD. Madalas ko sabihin pag nagugulat. At madali akong magulat. As in. Try niyong tanungin ung sila Howie at Trisha. Promise.
  4. Well Shit. Pag may isang bagay na pumalpak o hindi umayon sa gusto namin.
  5. Gagi. Dahil ewan ko sayo.
  6. Tae Na. Kasi tae ka nga talaga.
  7. Oi. Pag nakalimutan ko pangalan mo.
  8. Men! Dahil mga men tayo.
  9. Mang. Dahil nabulol ako sa "men".
  10. Omnomnom. Pag nagugutom ako. At may iniimagine akong nginunguya sa bibig.
  11. Shet. Pag may mali sa sinabi mo.
  12. Hai hai hai. Pag sinukuan ko ung logic mong magaling.
  13. Oya. Pag gusto kong kunin ung atensyon mo. Or pag tinatawag kita.
  14. Eh?! Pag nagulat ako sa sinabi mong walang logic.
  15. Ei. Kakaibang version ng "oi" for the heck of it.
  16. O [ Insert Name of Whomever Here ]. Dahil feeling ko maging makata. Pero dahil magaling ako, walang pumapasok na rhyme sa utak ko.
  17. Wai? Pag tinatanong kita kung bakit.
  18. Wae? Pag hindi ako naniniwala sa sinabi mo.
  19. Ha? Pag braindead ako. Pag tulig ako. Pag wala ako sa sarili. Pag ewan ko sayo.
  20. Oi SHET. Pag may nabalitaan ako na kelangan ko talagang sabihin sayo kagad.
  21. I LOVE YOU MEN! Pag mahal kita XDDDD
  22. FOOOOOOD! Pag kumakalam ang sikmura ko.
  23. I SHALL NEVER KNOW. Pag alam kong hindi ko na malalaman ung dahil kung bakit kahit kelan.
  24. Wow. Pag kunwari namangha ako.
  25. K Fine. Pag talo ko sa usapan. Either yan or wala ka lang talagang sense para sakin.
  26. Heck?! Pag di ko alam kung anung pinagsasabi mo.
  27. Maria ka! Dahil kilala naman siguro ng lahat ng mga lalaki kung sino si Maria, no? Ewan ko na lang kung sinong ignorante sa pangalan na yan. Sinasabi ko yan pang-asar.
  28. Asa Men. Pag wala kang makukuha sakin kasi magaling ako.
  29. KASI ANG POGI KO. Yan ang isa sa mga pinaka valid na reasons na binibigay ko sa tanong na "bakit?".
  30. KASI MAGALING AKO. Ang pinakavalid na sagot sa "bakit?".
  31. Ako si Captain Hook. Kasi ako si Captain Hook.
  32. Okaaay. Pag ang weird mo sa way na mas weird ka pa sakin.
  33. Ne? Pag alam kong tama ako at may logic ung pinagsasasabi ko.
  34. Sige lang. Pag ang weird mo at wala ko sa mood maging weird kasama ka.
  35. LOL. Sa totoong buhay, sinasabi ko yan kasi nakakatamad tumawa. Sa chat, or sa kahit anung kelangang gamitan ng keyboard, ginagamit ko yan pag tamad akong magtype ng "HAHAHAHAHAHA!".
  36. LMAO. Same use as LOL. Except pag eto ginamit ko, ibig sabihin mas natatawa ako.
  37. OTL. Pag nakaka-OTL ka talaga.
  38. Yo, [ Insert Name Here ]. Pag gusto kitang batiin kahit ilang beses na tayong nagkikita sa isang araw.
  39. Cute. Pag may nakita akong cute. Madalang to. Except pag kinukurot ko ung pisngi ni Keng.
Ang konti. LOL. Alam ko talaga marami pa e. Bakit kasi ang ulyanin ko? O basta yan. Ilan sa mga sandamakmak na expressions ni Togs.

Graduation Mula sa HighSchool Life Namin. Amen.

Kanina pa dapat ako magpopost e. Kaso tinatamad ako. A basta un. Grad namin kanina. In short, tapos na buhay namin as Seniors ng DCCS. Hai hai. Pero hindi ko talaga feel na grumaduate ako e! Why, I shall never know!
Okay, magstart na tayo sa dramahan.
Unang-una, di ko talaga inaasahan na gagraduate ako. LOL. De, oo nga. Promise. Matapos ba naman ung mga napakaganda kong scores sa Physics at Math. Anyway....

Etong batch naming to. Ewan. Wala kong masasabi e. Parang nasabi ko na ata dun sa Sportsfest post ko. Basta un. Kahit ganu pa namin sabihin na kinamuhian namin ung pamamalakad sa DCCS, syempre di naman namin matatangging naging Cavinians kami. At inenjoy namin ung times na Cavinians kami. Ne? O eto na, ibo-bombard ko na uli ng pics tong post na to.




Pics kasama ang aking dearest brother. At oo, may pic jan na ang kasama niya ay si Keng. Nagpakuha si Keng e. Kami na maliit.













Ang aming masayang tropa. Bale nahagilap nami si Quenneth - SALUTATORIAN YAN MEN - at si Alvin -VALEDICTORIAN NAMIN - para magpapicture kasama kami. So happy kami. Nga pala, meron uli kaming pic ni Je. Kasi kelangan lang talaga sa bawat okasyon meron kaming pic na kamilang magkasama XD


Kasama na ung buong batch. Ung feeling na sobrang tagal lang namin sa stage. Habang nagsisiksikan. Habang nagkakadikit ung pawis nung isa sa pawis nung isa. Habang hindi ka makaupo ng maayos. HABANG NAKASANDAL SI SEB SA LEGS MO KAYA LALONG MAINIT. Tae. Antagal pa nung kuya taga-photograph. E di syempre nung kinunan kaming pics, ang oily na namin like ye.

In all. Di ko talaga feel na graduates na kami. Sabi ni Dothy mafi-feel ko daw pag kinanta na namin ung grad song. Pero wala pa rin. O manhid lang talaga ko? Malay.
Pero alam ko pa rin naman na graduates na nga talaga kami e. So alam kong mamimiss ko tong mga taong naging batchmates ko sa DCCS. Sino pa bang makakagawa nung mga kabalastugan at kalokohan nila? NAMIN. Wala di ba?
Sabi ko magdadrama ko. Kaso wala kong maisip na speech ngayon e. Braindead ako. So mag-aanounce na lang ako ngayon.

  1. NAMIMIGAY AKO NG GRAD PICS AS SOUVENIR. BAKIT? KASI MARAMI UNG SOUVENIR NA BINIGAY SAMIN KAYA MARAMI AKONG MABIBIGYAN. KUNG MAY NAGBABASA NITO, PM NIYO KO KUNG GUSTO NIYONG HUMINGI. KITA TAYO. LOL
  2. AMABELLE ASHLEY VIRAY. PLEASE CLAIM. NAGHAHANAPAN TAYO KANINA A.
  3. YAYA. NASAKIN SI JUVIA MO.
  4. Pag naglagay ba ko ng chicken soup recipe dito may makakapansin?
  5. MGA BATA, ANG GALING NIYO KANINA. PAGPATULOY NIYO KAHIT WALA NA KAMI.
  6. SENIORS. INGAT TAYO SA COLLEGE.
LMAO. Mas madrama ung announcements kesa dun sa actual post.

Monday, March 26, 2012

Retreat [ Part 2 ]

Ayun, gaya ng previous post, puro pics lang uli na may mga "konting" explanations siguro para lang hindi kayo maumay sa katitingin ng pics. Eto palang mga pics na to, hindi akin. Nakuha ko lang sa mga naka-tag sakin.



 Yan ung mga group pics whatevers namin. Ang pinakapaborito siguro naming pwesto e ung mga bato. At hindi naman alam kung bakit. Siguro kasi tama lang para magkasya kaming lahat sa isang pic?




Ayan naman pala ung mga ilang pics kung san, kung hindi pa talaga ganung obvious, pabida ko ng sobra sobra. Hindi naman dapat ako kasama sa pic, pero dahil ako si magaling na nakakita ng camera, diretso ko at ngiti.

Ung unang pic, kasama ko uli si Niki dahil apparently, kahit sinabi niyang sa isang pic lang siya pede, magagaling kaming mga tao at nakakuha pa ng ilang pics na kasama siya. Sa pangalawang pic naman, ang pogi lang talaga namin ni Yaya XD
Halata naman siguro no? Kagigising lang namin nung time na yan. Kaya si Abby, blurred ung kuha. LOL. Buti nga blurred e. Ang kulit ng eyebags at bedhead ko. Nakakahiya XD Di ako nagsuklay after kong gumising e.

Sunday, March 25, 2012

LUMANSAG. [ Part II ]

So ngayon ko lang napost kasi sobrang busy ko nung past weeks. AS IN. Kaasar lang e. Ngayon, siguro tatadtarin ko lang rin ng iilang pics. Para makabawi.
Yan kaming mga tao kami na naka tikas pahinga dahil nakalimutan ko na ung dahilan kung bakit. Ayun. Nakakangalay siya. Sobra. Ewan ko kung bakit. Pero grabe, laking pasalamat ko hindi ako colors nung panahon na yan. Kasi kung sa pwesto pa nga lang namin na wala kaming hawak, ngalay na kami, pano pa kaya ung mga may dalang flag at rifle na pagkabigat-bigat nga naman.



Ayan naman ung group pics kasama ung tropa ko. Nice, Ate Ericka, looking lovely tayo jan sa last pic a. Tae. May na-realize akong bagay na malupit. ANG POGI KO TALAGA NAMAMANGHA AKO SA SARILI KO XD Lalo dun sa last pic, LMAO. Shet. Baka ma-inlove ako sa sarili ko ng di oras. /Shots.



Ako rin lang ata ang nag-iisang tao sa mundo na kayang gumawa ng poker-faced na ngiti. LOL. How, I shall never know. Ako rin pala ung taong pinakamagaling gumawa ng heart sa kamay, OTL.
Hi, Angelique. Ganda ng name plate a XD

Gary's Angels. Oo, kami yan. At oo, Cadiz, kasama ka. WALANG AANGAL. Saya men. Pinagmumukha akong mataba ng sash ko. WHY.
Eto, kasama ung mga kiddos. Siguro yan na rin ung last group pic ko na kasama ko lahat nung mga bata jan. Aw. Mamimiss ko talaga yan. A, at makikita niyo rin nga pala ung mga pagkain na nakatambak jan sa mga harapan namin. Panu kasi, dali-daling pumunta ung mga kumakain jan sa stage dahil nakakita ng camera. LOL.