OKAY, LAST POST NA TO NGAYONG ARAW NA TO. LAST NA. Gusto ko lang kasing i-share. Kanina kasi, habang pauwi kami nila Howie at Nic galing sa form, may nakita kaming rainbow. At kelangan ko lang talaga siyang picturan dahil sabi ni Howie. Pangit ung pagkakakuha ko e. Maganda ung actual. Mas matingkad ung kulay.
At anung ironic nung nakita namin ung rainbow na yan? Biglang umambon. BIGLANG UMAMBON. Weird. Nung lumakas ng konti ung ambon, nilabas ko ung payong ko. At anung nangyari? Humina ung ambon. Feeling ko talaga may magic tong payong ko e. Pag dala ko, hindi umuulan. Pag iniwan ko, uulan ng malakas. Pag naman nasa bag ko habang umuulan at dinukot ko, mawawala ung ulan.