Alis kami sa school ng 2 PM. May dalawang bus lang, magkahiwalay ung girls at boys. Syempre sa pinaka likod uli ako, katabi ko si Trisha. Nung nasa Light of the World na kami, nagkaron ng konting briefing, tapos assign na ng rooms.
So dun ako sa St. Luke's Dorm Room 2. Roommate ko nga pala si Paula, tsaka ako ung may hawak nung susi kasi ako ung pumirma sa something na pinirmahan namin. Un. Maliit lang ung room, pero ayos lang rin naman.
Sa first day, syempre, sinulit namin ung pagligalig dun sa lugar
Dun sa garden sa may likod, may fish pond na pinamumugaran ng mga koi fish na ayon kay Sister Vivian ay "mas malalaki pa sa mga bata" kaya wag daw naming i-try magdive. At oo nga, malalaki talaga ung mga isda. Sobra. Sa pics ko mukhang maliliit kasi ayaw umahon e, whattaheck. Pero ang cute nila.
Sa tatlong gitnang pics kung san wala ako... Actually nan dun ako e. Sa likod nila. Kasi dapat kaming tatlo lang naman nila Yaya at Keng ung magpapakuha e. Tapos biglang tumalon si Howie sa harapan ko. E di tong sila Nic at Camilla sumama. E di join na rin sila Celine at Jes. E di natakpan ako di ba?
Talagang ginugol namin ung oras namin sa pagiging vain. Para kaming mga bata na ngayon lang nakatalon sa damuhan e XD
After nung paglilibot namin dun sa lugar, pinabalik kami dun sa conference hall, tapos nagkaron ng konting activity. Sa pagkakaalala ko. Ewan. Nakalimutan ko na kung anung pagkakasunod-sunod nung mga nangyari nung first day XD Basta un
Nung gabi, after dinner, syempre pinayagan uli kaming maggala. E di kami naman tong sila gala. Syempre, kelangan may pics, so kuha namin kaming pics. A, ung tatlong boys na pala sa last pic ung mga dyosa ng kagandahan, headed by
So may activity uli na pinagawa samin. By group siya e, bahala daw kaming pumili kung sino kagrupo, so ang mga kagrupo ko, sila Keng, Yaya, at Paul. At nagkaron kami ng open forum. Gagamitin namin tong guide para sabihin sa isa't-isa:
- Bilib ako sayo dahil...
- Gusto kong ipagpatuloy mo ang pagiging...
- Wag kang mag-alala dahil...
BIGLANG TUMULO MGA LUHA KO LIKE YEAH AT HINDI KO NA NAPIGILAN. BAKIT? I SHALL NEVER KNOW.
Grabe, nag breakdown siguro ko. Sobrang nilabas ko kay Yaya lahat. Siguro kasi masasabi ko ngang best friend ko si Yaya. Syempre, sa lahat, siya pinaka-close ko. E kung araw-araw ba naman kaming nagbabangayan e. So iniyak ko nga. Hindi ko rin talaga inasahan na iiyak ako. Dami ko kasing kinikimkim e, tuloy. At dahil iniyakan ko siya, syempre kelangan ko lang talaga siyang yakapin. XD Aww, syempre. Mahal ko yan si Yaya e. Hahaha! Ang mga relasyon at turingan namin ganto:
- Minsan, ako ung nakababatang idiotic sister at siya ung know-it-all na "kuya".
- Minsan, siya si walang-sense-ung-mga-sinasabi na little bro at ako si ate na naha-highblood sa kanya.
- Minsan, kambal naman kami na iisa utak.
- Syempre, pinakamadalas... Siya si Yaya at ako si Alagang spoiled to the max.
Tapos un, sunod-sunod na kami. Next si Paul, tapos ako, tapos si Keng. Saya mag-open sa kanila. Pero shet. Si Yaya lang talaga iniyakan ko, LOL. De, de. Mahal ko rin yan si Keng at Paul. XD
Dahil dun sa activity na un, na-realize ko na masarap umiyak. Kasi meron kang mailalabas at ma-eexpress sa pag-iyak na hindi mo kayang gawin sa pagtawa tsaka pagkagalit e. Sarap talagang magbreakdown once in a while. Heck, kahit sila Celine nagulat na umiyak ako e. Hindi naman kasi ako ung tipong iiyak dahil malungkot. Actually, halos never pa kong umiyak dahil sa lungkot e. Kaya first time talaga sakin un. At ang sarap sa pakiramdam.
Anyway... Mga 10 PM na kami natapos. So ang binigay na curfew samin, 11 PM. Lights-out na dapat un. Kaso dahil magagaling lang naman kaming mga estudyante, hindi nasunod yang lights-out na yan. Sa girls, siguro halos lahat madaling araw na rin nagpatay ng ilaw. At eto. Sa boys... 2 AM na daw nagpatay ng ilaw dahil nag-aagawan sa banyo XD Saya men.
Hirap akong matulog kasi nga wala kong unan sa paa. Tapos nagigising ako ng wala sa oras. Un pala kasi naglilibot si Paula kasi di siya makatulog XDDD
Nagising ako mga 6 AM. At dahil un biglang bumakas ung pinto ng kwarto namin dahil sinugod na kami ni Ate Ericka. Dapat nung time na un, gising na si Yvan, siya kasi bell ringer namin e. Kaso nung nagkaron kami ng meeting sa labas ng dorms ng mga girls, sabi ni Alvin, tulog pa daw si Yvan. At nung sinita na kami ni Sister Vivian dahil bawal daw maglakwatsa sa labas ng naka PJs, dun lang nagpakita si Yvan na may hawak na bell XD
So nagsimula ung araw with a morning prayer sa rooftop. After nun, kain. Then, ligalig na naman kami. Un ung gusto ko after meals e, hinahayaan kaming maggala.
Ako naman tong si nawili sa mga koi kaya ilang beses ko kinunan ng pics. Nakakatuwa kasi silang tignan e. Para silang kumikinang sa pictures. Kaso sabi ni Koji kaya lang daw ganun kasi nagsu-swimming sila sa ihi nila.
After breakfast, balik kami sa conference hall. May nakakatuwa at nakakaasar kaming activity na ginawa e. Na ni-require kaming magtatalon-talon. Heck. Tapos basta un, group activity ata uli. Tapos snacks. After snacks... Ligalig uli. Vanity uli.
Kelangan ko lang rin naman talagang magkaron ng kahit isang pic na kasam si Niki. So after ko siyang pilitin nung gabi, pumayag siya na magpakuha ng pic kasama ko. At eto, pinakamagandang pic ever:
Group pic with nakangiting Sister Vivian na kinikiliti ung baba namin ni Ate Ericka habang tinatawag kaming mga unggoy. XD Swerte ko nga maayos kuha ng cam ko e. Ung sa iba kasi, epic ung poses namin e, LOL.
Etong mga pics na to, with Paul. At oo, Paul. Sira na buhay mo dahil jan sa last pic na yan XD Cute ka naman e, ayos lang yan.
May pinakitang daga samin si Koji. Nilalanggam siya nung naabutan namin. Tapos basang-basa tsaka naghihingalo. Syempre kelangan kong picturan di ba? XD
Nung pinabalik na kami, sa conference hall uli. Tapos activity, tapos un. Lunch.
Yan ung mga random na kung ano na kinunan ko ng pics for the heck of it. Or para lang mapakita kung gano kaganda ung lugar. At syempre....
KOI FISH. Mga koi fish na di ko pinagsawaang picturan. Kasama ko nga pala nung time na yan, ilang mga Lorenzo Boys na pinakain ung mga isda kahit sinabihan nang wag pakainin. Batas e.
Feeling ko mas marami pang kuha ung mga isda kesa sa mga mukha ng tao sa cam ko e XD
O un. After lunch, may activity uli. Sa activity na un, may pinanood samin, tapos halos lahat ng tao sa loob ng conference hall, umiyak.. Bukod samin ni Trisha. Ang awkward nga kasi imbes na tahimik kami kasi di na nga kami umiiyak, nagtatawanan pa kami ng mahina. Kasi akala namin tumatawa rin si Yaya. Di pala. So others talaga kami nung time na un.
Pagkatapos nung activities, Mass na. Parang ang bilis nga nung misa e. Either un or nakinig talaga ko ng maigi kaya parang ang bilis.
Departure time namin 4 PM para maagang makauwi. Kaso dahil isa kong taong magaling magdilang anghel, sinabi kong magkaka-traffic para gabihin kami ng uwi. Ayun. Nagka-traffic at 3 hours ang biyahe pauwi. Na naman. Pero enjoy naman. Kasi nakakatawang panoorin si Abby sa bus e XD
Overall, enjoy ko ung retreat. Masaya kasi nga last na reco na namin. Tapos naging close lalo ung batch namin. Eto na ung last get-together ng buong batch e, so dapat lang talaga inenjoy namin. Sayang nga lang kulang kami, pero ayos lang rin. Masaya pa rin ung kinahantungan nung trip namin.
Side note:
Malamang may part two tong post na to.