Friday, March 2, 2012

Spa ng St. Therese

Kasi kanina, naging official ung pagkakaron ng Spa sa loob ng classroom. Included na dun ung pagmamasahe at paghe-hairstyle. At syempre, chismisan. Ipapakilala ko ung staff.
Sina Celine at Yaya. Mga masahista namin. Enjoy ko ung pagmasahe ni Celine sakin kasi andaming lamig sa likod ko. Sobrang sarap ng pakiramdam ko after niya kong masahihin. A, si Celine bahala magmasahe sa likod at braso, si Yaya naman sa mga palad.

Ang mga hairstylist, sina Howie at Ate Ericka. Masasabi kong personal hairstylist ko rin si Howie e, LOL. Sa kanya ko lang pinagkakatiwala ung buhok ko. Pero ngayong araw na to, siguro ilang beses niyang inayos ung buhok ko. Malamang ako may kasalanan nun e, likot ko kasi XD


Celine in action. Nnjan din si Abby at si Dorothy na nagpamasahe. Saya nila jan. At sorry naman kung against the light.

Sarap ng buhay ni Keng. Tinatalian ni Howie habang minamasahe ni Yaya. Galing talaga. Nung time na yan, wala na kong ginagawa kaya kumukuha na lang ako ng random pics.

At yan si Celine na nagretiro ng sandali para magpamasahe sa customer. Okay, siguro nga well-deserved naman ung pahinga niya, kasi sunod-sunod kaming nagpamasahe sa kanya e XD
Dapat magpa-commission tong mga to e. SA IBANG MGA CUSTOMERS. SA IBA. Okay.