Okay, magstart na tayo sa dramahan.
Unang-una, di ko talaga inaasahan na gagraduate ako. LOL. De, oo nga. Promise. Matapos ba naman ung mga napakaganda kong scores sa Physics at Math. Anyway....
Etong batch naming to. Ewan. Wala kong masasabi e. Parang nasabi ko na ata dun sa Sportsfest post ko. Basta un. Kahit ganu pa namin sabihin na kinamuhian namin ung pamamalakad sa DCCS, syempre di naman namin matatangging naging Cavinians kami. At inenjoy namin ung times na Cavinians kami. Ne? O eto na, ibo-bombard ko na uli ng pics tong post na to.
Pics kasama ang aking dearest brother. At oo, may pic jan na ang kasama niya ay si Keng. Nagpakuha si Keng e.
Ang aming masayang tropa. Bale nahagilap nami si Quenneth - SALUTATORIAN YAN MEN - at si Alvin -VALEDICTORIAN NAMIN - para magpapicture kasama kami. So happy kami. Nga pala, meron uli kaming pic ni Je. Kasi kelangan lang talaga sa bawat okasyon meron kaming pic na kamilang magkasama XD
Kasama na ung buong batch. Ung feeling na sobrang tagal lang namin sa stage. Habang nagsisiksikan. Habang nagkakadikit ung pawis nung isa sa pawis nung isa. Habang hindi ka makaupo ng maayos. HABANG NAKASANDAL SI SEB SA LEGS MO KAYA LALONG MAINIT. Tae. Antagal pa nung kuya taga-photograph. E di syempre nung kinunan kaming pics, ang oily na namin like ye.
In all. Di ko talaga feel na graduates na kami. Sabi ni Dothy mafi-feel ko daw pag kinanta na namin ung grad song. Pero wala pa rin. O manhid lang talaga ko? Malay.
Pero alam ko pa rin naman na graduates na nga talaga kami e. So alam kong mamimiss ko tong mga taong naging batchmates ko sa DCCS. Sino pa bang makakagawa nung mga kabalastugan at kalokohan nila? NAMIN. Wala di ba?
Sabi ko magdadrama ko. Kaso wala kong maisip na speech ngayon e. Braindead ako. So mag-aanounce na lang ako ngayon.
- NAMIMIGAY AKO NG GRAD PICS AS SOUVENIR. BAKIT? KASI MARAMI UNG SOUVENIR NA BINIGAY SAMIN KAYA MARAMI AKONG MABIBIGYAN. KUNG MAY NAGBABASA NITO, PM NIYO KO KUNG GUSTO NIYONG HUMINGI. KITA TAYO. LOL
- AMABELLE ASHLEY VIRAY. PLEASE CLAIM. NAGHAHANAPAN TAYO KANINA A.
- YAYA. NASAKIN SI JUVIA MO.
- Pag naglagay ba ko ng chicken soup recipe dito may makakapansin?
- MGA BATA, ANG GALING NIYO KANINA. PAGPATULOY NIYO KAHIT WALA NA KAMI.
- SENIORS. INGAT TAYO SA COLLEGE.