At bakit ko namang naisipang magpagupit? Kasi ganto yan, na-realize ko lang naman na pinamumugaran na ng split ends ang buhok ko. So nagpasama ko kay Ate Ericka. At nagpagupit na nga ako. At umikli ng todo ung buhok ko. Bakit naman? Kasi, tinanong ako nung miss na naggugupit kung ganu kahaba ung puputulin. Ang sabi ko 2-3 inches lang. Anung ginawa niya? 4 inches. Saklap talaga men. Isang taon akong hindi nagpagupit at humaba ng todo buhok ko. Ngayon, dahil lang sa maling tantsa, umikli siya, OTL. Eto pa. Tinanong ako kung puputulan ba ung "bangs" ko na hindi ko na naman matatawag na bangs. Ang sabi ko, "Hindi na po." Anung ginawa? Pinutulan niya men. Pinutulan niya ung pinapahaba kong "bangs". At ngayon, back to square one na naman ako sa pagpapahaba niya. GAHD.
Para tuloy... Ayoko na talagang magpagupit kahit kelan. At para tuloy namimiss ko ung mga split ends na nakasama ko ng isang taon mahigit dahil lang sa insidenteng yan. Malaki ang problema ko ngayon.