By: Joan Grafil
Nilapatan ng ACAPI
Sa paglipas ng araw at buwan
Di man lang natin namalayan
Nalalapit na ang ating paglisan
Sa lugar na nagsilbing ating ikalawang tahanan
Napakaraming masasayang kuwentuhan
Tawanan, halakhakan, pati na rin iyakan
Ang ating babaunin sa ating paglisan
Pabaon na kailanma'y di malilimutan
Sabay-sabay nating pasalamatan
Mga gurong tumayo bilang ating magulang
Naging kaagapay, tagapayo't masasandalan
At hindi kailanman tayo'y pinabayaan
Pasalamatan rin natin mga kaibigan
Naging kakampi sa mga taong nagdaan
Na kahit kailan ay di tayo iniwan
Sa halip, tinulungan tayong tumayo't lumaban
Lahat ng alaalang ating pinagsaluhan
Masaya man 'yon o puno ng kalungkutan
Wag pa rin nating kakaligtaan
Ito'y bunga ng isang masayang samahan
Yan ung isa pang grad song. Pinost ko lang rito kasi kasama sa test namin sa homeroom bukas. At nagkataon na ako lang ata ung kumopya samin, LOL. Bale yan na lang kakabisaduhin ko. Kasi kabisado ko na ung english. Malamang.
Side note:
TAPOS NA FIRST DAY NG EXAMS!!! OMG! MAY NASAGOT AKO SA MATH! Di ko nga lang sure kung mapapasa ko nung mga sagot ko. Asa men.
PISIKA NA BUKAS~