Ganto kasi un.....
Nung 5 years old ako, eto ung first incident. Papalapit na ung birthday ni Gelo, ang aking dear brother, at ako si ate na mabait nun. So nun, si Gelo, 1 or so pa lang. So kinakarga a siya.
Pumunta kaming SM para mamili. Ung usual shopping ek ek lang naming pamilya. Napadpad kami sa Toy Kingdom. At dahil nga mabait na ate ako, sabi ko "Bili lang akong regalo kay Gelo", at tumango naman tatay at nanay ko. E di ba, malaki pa ung Toy Kingdom nun? At maliit pa ko nun. So nung wala akong mapili, binalikan ko ung lugar kung san man nandun ung parents ko. At laking gulat ko ng wala sila dun.
So dapat pupuntahan ko ung guard para magtanong. Kaso hindi ko na natanong. Bakit? Kasi nahiya ako. OO. MAHIYAIN AKO NUN.
Di un na, di ko kinayang magtanong kaya nagdecide akong umuwi mag-isa. UMUWI AKO MAG-ISA YE. FIVE YEARS OLD AKO. MULA SM HANGGANG 25 TIDY TIPS. Gahd.
Naalala ko pa nga ung suot ko nun e. Puting blouse tsaka leggings na dark blue na may maliliit na flower designs. Buhay pa ung leggings, suot nga ni Angeni kanina e.
Nakauwi naman ako. Pero naranasan ko ung first near-death experience ko. Muntik na kong masagasaan ng taxi nung tumatawid ako dun sa papuntang Marcos Alvarez XD
Habang umuuwi, poker-face ako. Nung nakarating ako sa bahay, hagulgol ako sa iyak. LMAO.
Ung next incident naman... Ang preschool na pinapasukan ko nun, nasa Manuela, so lagpas Times, lagpas Perps. 5 din ako nun. Andaming nangyari sakin nung 5 ako XD
Ganto, mga 6 na nun, wala pang sumusundo sakin. Ang usual na sumusundo sakin nun, si Mama. E nung time na un, may sakit siya, e di niya nasabihan si Papa. So wala talagang may balak sumundo sakin nun. E di ako naman tong si naiinip sa school. Kasi tapos ko na ung mga assignment s nun. So dahil noon pa lang, magaling na bata na ko, tumakas ako ng school at nagdecide umuwi mag-isa. At nasan ang preschool ko nun? Nasa pinakaloob ng Manuela. As in.
Umabot ako dun sa may lagpas ng onti sa Perps hanggang sa may nakakita saking mabait na babae at hinatid ako hanggang Police Station. Nakita niya daw kasi akong naglalakad, e umuulan nun, ang "payong" ko lang ung plastic envelope ko, kaya ayun, tinulungan ako.
Nung nandun na sa may San Antonio, naglakad na ko pauwi. Or un na ung sa pagkakaalala ko. Hazy na memories ko pagdating dun sa insidente na un e. Basta ang naalala ko na lang, kinabukasan, pagpasok ko ng school, tinadtad ako ng asar at sermon nung mga teachers kasi nga nalaman nilang ganun ung nangyarin. Galing ko daw kasi e.
Habang sinusulat ko to, tawa ko ng tawa, so malamang maraming words dito na mali spelling. Ewan. Nakakaasar kasi. Di ko mapigil tawa ko pag naalala ko ung mga nangyari sakin nun. Epic e. At habang sinusulat ko rin to, may weird feeling na parang napost ko na to dito dati sa blog. Ewan.
So nung bata ako, meron akong napakagandang memory. Ngayon. Anung nangyari? XD