A yan. Imbes na kunan ko ng pics ung classroom mismo, kinunan ko ng pics ung mga taong tambay lang. Kasi magaling ako. Tsaka ang hirap tumayo mula sa pwesto ko nung time na yan.
Mga kuha ni Niki. Maraming kuha ni Niki. Ayaw niya kasing magpakuha ng picture e. E pag ako may camera, at pag may taong ayaw magpakuha ng pic, syempre kukunan ko di ba? Sa huli, pumayag din siyang magpakuha basta daw may kasama, e di sinamahan siya ni Keng.
Si Jessica at ako.
After niyan, nung mga 11 something na siguro, pinaglunch na kami tapos diretso na daw sa gym. At un na nga ung huling pag-akyat namin sa fourth floor. Aww. Mamimiss ko rin ung damnable-seemingly-never-ending-flight-of-stairs na un XD