Hi, ako si Gianne Abutog. At ngayon, naalala ko lang naman ung mga sobrang daming naging nicknames at aliases at whatevers ko mula ng iniluwal ako ng ina ko.
- Gianne. Syempre, yan ung pangalan ko e, so malamang, yan ang usual na tawag sakin. Meron ring isa pang version niyan.
- Gianne [ pronounced with hard g ]. Dahil magaling ang mga tao kaya nagiging ganyan ang pronunciation niyan.
- Gi. Yan na siguro ung pinaka-normal na nickname ko. Usually kelangan close tayo para matawag mo kong ganyan. Pero minsan, kahit ka-close ko, hindi ko pinapatawag sakin na "Gi" kasi parang ang weird pakinggan.
- Anne. Dahil nagsawa si Jessica na tawagin akong Gi.
- Abutog.
Kapag may galit ka sakin.Kapag ewan ko sayo.- Ms. Abutog. Usually teachers lang naman tumatawag nito sakin. At by teachers, ibig kong sabihin si Sister Vivian at si Ms. Pearl.
- Togabu. Pag sinira mo ung pagkakaayos ng syllables ng last name ko.
- Togs. Galing sa Togabu. Si Howie may pakana.
- Abu-Tog. Mali kasi ung pag-pronounce ng officers namin nun sa last name ko. Kaya naging ganyan.
- Gianne Marie. Isang araw, si Abutog ay nag-lament at sinabing "Wala akong second name e." Kaya ang magaling na si Jessica ay binigyan ako ng second name.
- Marie. Pag tinatamad si Je na buuin ung Gianne Marie.
- Identical. Nung grade six kasi, may practice kami ng sayaw sa rooftop, at napansin namin ni Eva ung mga anino namin nung nagtabi kami. Magkamukha ung mga anino, kaya nagi kaming identical twins.
- Fraternal. Naging fraternal naman ung tawagan namin kasi nagpagupit siya, di na magkamukha ung shadows namin.
- Twin. Kasi sabi ko nun masyadong mahaba ung "identical" o "fraternal" para i-text. Kaya naging "twin" ung tawagan namin.
- Conjoined. Tawagan naman namin ni Mary kasi lagi kaming magkasama.
- Oi. Minsan kasi nawi-wirdohan din ako pag tinatawag akong Gianne or kahit Gi. Kaya sinasabi ko na oi na lang.
- HOOOOOYYYY! Pag mahal mo ko XD
- GIIIAAANNNE! Pag ikaw si Howie na mahal ako nang sobra.
- GIIIIIII!!!! Usually tinatawag akong ganyan pag gusto akong kulitin e.
- Black Cat. Kasi ako ang nagbibigay ng malas sa buhay ni Koji.
- Yo. Oo, greeting siya, pero madalas, kahit hindi ako ginigreet, "yo" ang tawag sakin e.
- Maria Gianne Marie. Dahil lahat nga naman ng tao sa mundo ay nangangailangan ng "Maria" sa pangalan.
- MaGiMaAbu. Shortcut ng Maria Gianne Marie Abutog.
- Majinbu. Ayon kay Howie, para daw Majinbu ung "MaGiMaAbu", kaya nagi akong Majinbu.
- Gianne my love, my darling, my sweet~! May tono pa yan. Pag ikaw si Trisha at balak mong ilagay ang pangalan ko sa contact list mo. Seryoso men. Yan ang pangalan ko sa contacts niya. Si Eva nagpauso niyan.
- Ma'amabutog. Hi Howie.
- Ma. Kasi si Mathew. Pag nasa PureGold kami at ako nagtutulak ng cart, tinatawag niya kong "ma" at hindi ko alam kung bakit.
- POGI. Ako naman talaga yan e.
- Baklabutog. Si Yaya kasi ang pinakamagaling na yaya sa mundo.
- Hey Sexy. Trisha Dugay din may pakana.
- Ganda. Usually si Camilla ung tumatawag sakin niyan e.
- Bestfriend! Kasi nga daw bestfriend ko ung boyfriend niya, ayon kay Ate Ericka. Kaya ayun, bestfriend na rin niya ko.
- Baby Gianne. Pag si Howie ka at trip mong kurutin ung pisngi ko. Ewan ko ba kung bakit niya naisip na yan ang itawag sakin. OTL.
- Ma'am / Ma'am Abutog. Pag naging COCC ka.
- HOOOONNNNNNNNEEEEEEEYYYYYYY! Pag di niyo pa nahulaan kung sinong tumatawag sakin ng ganto...
- Hi, Honey. Halika. Kelangan may kasama yang low and silky voice. At dapat nakaupo or nakahilatay ka rin sa kama. At dapat may kasamang had gesture. Syempre, mas kapanipaniwala pag ikaw si Dugay.
- Ate Gianne. Ung mga mas bata syempre sakin ang tumatawag sakin ng ganyan. At usually to pag di kami close.
- Te. Exclusive kay Gelo, Darci, Hedrix, at Dana. Kasi close ko sila.
- Ma'am Gi. Pag naging COCC ka at naging tropa tayo men.
- Gwapo. Laging nagkakamali ung ibang tao e. POGI men, hindi gwapo. Magkaiba un.
- Gaga. Pag alam ni Yaya na may kabalastugan na naman akong ginawa, yan ang lagi niyang tawag sakin.
- Bruha. Pag naman may sinabi akong weird, yan ang banat niya sakin.
- Anak. Tawag sakin yan ng pinakamamahal kong nanay na si Celine.
- Echuserang Palaka. Pag barado si Trisha sakin.
- Chixo the 2nd. Kasi may twin si Trisha. At kamukha ko daw un. Kami ung original na Chix.
- Alaga number 2. Pag mabait si Yaya sakin.
- Vain. Tawag sakin ni Niki.
- Parte ng Voltes V. Sabi kasi ni Niki samin, pag daw magkakasama kami nila Yaya, Koji at Trisha na binu-bully siya, para daw kaming kuya niya all in one. Ung kilos at pananalita ko raw, parang sa kuya niya. Ung talino ni Yaya, parang sa kuya niya. Ung pagiging morbid at brutal ni Trisha, parang sa kuya niya rin. At ung kagaguhan naman daw ni Koji, parang sa kuya niya rin. Pag pinagsama kaming lima, kami si Voltes V.
- Oyoyo. Kasi naging expression ko yan. Actually hanggang ngayon nga e. So si Ate Erickang magaling, pag tinatawag ako, "Oyoyo."
- Red / ILIKERED. Nung grade six ako, pag sinabi mong Gianne Abutog, karugtong kagad niyan ung kulay na red. Kasi paborito ko e. Tas pinagmamalaki ko pa. Kaya yan madalas tawag sakin ni Paul.
- Ye ryt. Tawag sakin ng pinakapaborito kong tita sa mother's side. Lalo pag nagchchat kami. Imbes na "Geng" or "oi", "Ye ryt" talaga.
- Abechik. I don't even...
- Abunyang. Wala na talaga kong idea kung bakit.
- Batang adik. Kasi may dinrowing akong avatar para sa sarili. Ang sabi ni Paul, mukha daw batang adik., Kaya ayun. Un ang naging tawag niya sakin.
- Ipis. Mukha daw akong ipis pag nagfront ponytail ako. AYON KAY HOWIE.
- Deputs / Deps. Kasi ako ung Deputy di ba? At nagdecide lang naman si Rolandong tawagin akong Deputs.
- Puti. Sabi ni Howie, para daw kasing "Deputi" ung Deputy. So nagi akong aso niya.
- Boss. Tawag sakin ni Jonson dahil ewan ko.
- Geng / Genggay. Ang forever nickname ko sa mga relatives ko. Kung san man nanggaling yan, I shall never know.
Marami pa e. Swear. Kaso ako tong si magaling na ulyanin e. Kaya yan lang malalagay ko. Peor marami-rami na rin yan e. Baka i-update ko pa pag may naalala ko XD.