Tuesday, October 4, 2011

Alice Nine

Dahil nasimulan ko na rin naman kagabi, so itutuloy ko na ngayon. At kasi ang ganda ni Shou. o(*0*)o
So una ko ngang narining ung tungkol sa banda na to nung first year. Dahil rin kay Trisha. Nagustuhan ko nga ung kanta nilang "Shunkashuuto" kaso nawala na sa isip ko after ilang years. At ngayon.... Un nga. Medyo kasama na tong banda na to sa "To-Stalk List" ko. LOLLOLLOL.
Eto ung members:


Shou. Siya ung main vocalist ng grupo. At napakaganda niya. Siya pa lang ang lalaking nakita kong mas maganda pa sa isang babae. Ang laki pa ng mga mata niya. PARA SIYA MANIKA IN SHORT. Grabe, kung di lang talaga ganung kalalim ung boses niya, at kung di lang talaga siya ganun katangkad [ 177 cm? ], pag may nagsabi saking babae siya, maniniwala talaga ko.

Nao. Siya naman ung drummer ng grupo. Siya rin ung leader nila, siguro dahil siya rin ung pinakamatanda sa kanila at age 27. Sa lahat ng members, siya ung pinaka-una kong na-distinguish sa lahat. Iba kasi mukha niya sa lahat e. A, at siya lang rin ang kilala kong drummer na, imbes na i-wave ang braso't kamay or drum sticks sa concert, drums niya mismo ang ginagamit niya pagkumakaway. LOL.

Tora. Ung gumagamit ng electric at acoustic guitar, at piano. Siya rin ung backing vocals ng grupo. Ano ba masasabi ko sa kanya... Ayun. Nalilito ko sa kanila ni Saga. At minsan, ni Hiroto. Pero para malaman ko na siya yan, ini-imagine ko si Vincent Valentine ng FFVII. Kasi kamukha niya. At kapag naman wala siyang bangs sa gitna, nakikita ko sa kanya si Zack Fair. Ha!

Hiroto. Electric and acoustic guitar naman ung gamit niya. A... Siya ung bunso sa banda. At alam ko nasa high school pa lang siya nung una siyang sumali sa Alice Nine. Anu ba masasabi ko sa kanya? Ewan. Di ko siya ganung napapansin e. Basta mukhang close sila ni Shou. Di ko rin sure un. O un, nahihirapan nga akong i-distinguish tong isang to kay Saga at Tora.

Saga. Bass, Guitar, Synthesizer&Programming, and Backing Vocals. Mukha siyang hindi Hapon sa kin. Mukha lang. Ewan ko. Nakakalito sila ni Tora. Kaso ngayon, medyo nakikita ko na na medyo iba nga mukha nila. LOLLOLLOL. At ngayon ko lang nakita ung pagkakaiba na un XD A basta un. Siya ung obviously, may pinakamaraming ginagawa sa banda, kung di pa halata....

Okay so un.

Ang ganda talaga ni Shou para siyang babae mukha siyang manika anlalaki ng mga mata niya pero kahit ganun ang tangkad niya pa rin tsaka ang lalim ng boses niya OTL pero para parin siyang babae at wala talagang makakatanggi dun BAHAHAHAHA.