Friday, October 28, 2011

Last and Final Practice, Last and Final Performance sa SportsFest ng DCCS

Actual Date: Mula Kahapon at Ngayon.



D'Awww. Last na. Last na talaga. Pero kahit ganun, puro tambay lang ginawa namin. Syempre lalo nung Pep Squad. WOOHOO!!

So ang last venue ng practice namin, sa MoonWalk, ung barangay court dun. At ang mga kasama ko papunta dun:
  • Yaya
  • Trisha
  • Koji
  • Ate Ericka
  • Nick Paul
  • Niki
  • Dorothy
At dahil 8 kami, para makatipid, na-decide kaming pagkasyahin ang mga sarili namin sa iisang trike.



At ayan. Napagkasya nga namin. Ok. So sa loob ng trike, may apat na naka-upo. Sila Trisha at Yaya nakaupo dun sa "normal" seat, si Ate Ericka sa baby seat, at si Koji... WTF... Sa sahig [ ?! ] ng trike. Sa back ride naman... Ako, si Dorothy, at si Niki. Ye. Kasya kami. Syempre, dhil wala ng pedeng upuan, si Nick Paul, dun... Sabit. Kaya masaya kami. Para kaming ung mga clown na nagkasya sa maliit na kotse. Except mga students kami... NG ISANG PRIVATE CHRISTIAN SCHOOL... na nagkasya sa isang maliit na trike. TROLLOLLOL. So masaya talaga.






At yan. Ilang mga pics ng last practice. Mamimiss ko talaga to. Ngayon pa lang ramdam ko na.

At magdadrama na ko.....
/Start

So apat na taon kaming magkakasama. Nung first two years namin sa high school, medyo watk-watak pa kami. Lalo ung mga taga first section. Hindi naman sa hindi kami nakikisalamuha sa mga taga ibang sections, pero others talaga kami e.
Nabuo lang kami nung third year na kami. Siguro dahil sa CO? Or dahil sa bitterness namin sa isang certain officer namin kaya naging "AS ONE" kami? ewan. Basta un nga, naging AS ONE kami. At naging champion sa overalls nung Juniors kami.
Ngayon, last na e. Medyo naging watak-watak din kami. Pero pinanindigan namin ung paniniwalang AS ONE kami. Kaya nadala kami nun. Kahit marami sa pep, mailimit umattend ng practice, tuloy pa rin kami. Di kami nawalan ng pag-asa nun. Kasi nga paniniwala namin AS ONE kami. So nung last day ng practice, halos lahat na umattend. Un na ung last e. Last na last na talaga. Seniors na kami e.
Kinabukasan, nagsipaghanda na lahat.
Kamay yan ni Trisha. Puno ng wax. Tapos hawak niya hairspray.
Di ko na kinunan ung iba pang proseso, madumi e. LMAO. Basta un. Second performers kami.
Nung nagpe-perform na ung second years, syempre ginawa namin ung ritual namin. OTL, mamimiss ko talaga un. Bago kami magperform, lagi kaming nagdadasal, nakataas ang kamay, nakikinig sa "THANK YOU LORD GOD!" na sinasabi ni Cheska. At nung magpeperform na nga kami... Lahat kami, sure ako, inenjoy ung last performance namin. Lahat kami nakangiti e. At tuwang-tuwa. Awww. Saya talaga.
Dun talaga nag-dawn in sakin... TAE NA!!! LAST NA TO! PUTEK!!! Mamimiss ko ung pag-uwi ng late dahil sa practice para sa cheering. Mamimiss ko ung napakahabang walk trip namin pauwi, lalo pag sobrang late na at sinaraduhan na kami nung mga nasa Villa Luningning! Mamimiss ko ung pagsigaw ng mga dancers sa pep para magready na. Mamimiss ko ung ritual namin bago magperform. Mamimiss ko ung ga kalokohan nung mga trainers namin sa pep. Mamimiss ko ung batch namin na punung-puno ng kalokohan.
Last na talaga. Kaya inenjoy ko na rin. Nung cheering, kahit sumisigaw ako, sinigurado ko na nakangiti ako to the max, kahit masakit sa panga. Grabe. Di ko talaga ma-imagine. Ilang months na lang, aalis na kami.


SENIORS. TAKE FLIGHT. NAMREPUS!

/end. Tae. Andrama nga OTL.