Wednesday, October 12, 2011

Togs the Egg

Di ba nga, nilagyan ko ng mukha ung itlog. May time na sobrang nagutom ako kanina. Kaya sabi ko kakainin ko talaga ung itlog na yan. Kaso may mukha. OTL. Hindi ko makain kasi may mukha. Parang ang hirap balatan.

At dahil di ko nga makain, nilagay ko sa altar. Kasi...

YOKO SIYA MAPADPAD SA KAMAY NG MASAMA!!!!

/over dramatic OTL

LOLs. E nung mga English Time naman, gusto nang kainin ni Howie ung itlog. So kinuha niya. Nung time na un, katabi niya si Nic... Kinuha ni Nic ung itlog at nilagyan ng make-up. Habang naghihintay sa resulta ng salon game ni Nic....
Gumawa ng obra maestra si Howie at dinrowing niya ko. YEY! Kamukha ko o XD
O di un. After ilang minutes, ready na si Togs the Egg. At yan ang kinalabasan. So dahil naging ganyan na itsura niya, di na ko natakot kainin siya. Kaya all's well that ends well XD Si Togs the Egg ay nasa tiyan na namin ngayon nila Howie at Keng~