Saturday, October 29, 2011

College Hopping

So ung mga pics na ipo-post ko, di sakin, galing Google un. Pano kasi... Pinaiwan ni kuya ung mga bag sa kotse kasi marami magnanakaw sa mga pupuntahan namin. E nandun ung cam at wallet ko. No choice talaga, iniwan ko. OTL

Nag-college hopping nga kami kanina after CAT. Kasama ko si Niki pati si Kuya Rex. So kinelangan naming maglakad papunta dun sa mga school kasi walang parking lots. Pero dala nga namin ung kotse. Nagpark nga lang kami sa SM City Manila.

So una naming pinuntahan, UST. Kasi un naman talaga ung pakay namin sa college hopping e.
 Dinaanan namin ung University Belt at pumnta kami sa UE. Medyo plain ung entrance niya. Walang dating, di gaya nung UP at UST.
At pinuntahan din namin ung CEU.
Dahil katapat lang ng CEU ang San Beda, at dahil sabi ng nanay ko i-try ko daw jan, pinuntahan din namin.
Daan na rin kaming LPU. At jan ung part na sobrang na-bitter ako kasi hindi ko nadala ung cam ko. Kasi ang ganda ng Intramuros Wall. At wala ako ni-isang pic OTL.
Malapit lang rin ung Mapua, so pinuntahan na rin namin.
At pati ung Letran malapit lang. So pinuntahan na rin namin.
Tapos inakyat na nga rin namin ung Intramuros Wall. Ganda talaga shet. Sana talaga dinala ko ung bag ko para nabitbit ko ung cam. OTL.
Inuulit ko, sa GOOGLE ko nakuha ung mga pics.

A... At ang nag-iisang pic na galing sakin mismo...
Ang mga application sheets na nakuha ko. LOL.