Thursday, October 6, 2011

JanKen Competition

NO PICS.

Harharhar.

Dahil puro free time kami kanina, naglaro kami ng JanKenPon after lunch. Unang laro, Yaya at ako. Nanonood samin si Jes. Sabi ko try niya maglaro. Gusto naman daw niya, kaso takot siya kay Yaya. Kasi nga masyado aggressive si Yaya. Sa huli, naglaro din siya, ako una niya kalaban. Next game, after siguro ilang pilitan, naging kalaban din ni Jes si Yaya. At dun na nagsimula ang JanKen Competition.


Round 1

Match: Yaya at Jes.
Score: II - III, panalo ni Jes

Si Yannah din pala napilit namin maglaro, basta si Jes ang kalaban. Kasi nga nakakatakot si Yaya.

Round 2

Match: Yannah at Jes
Score: III - 0, panalo ni Yannah

After ilang pilitan uli, pumayag si Yannah na kalabanin si Yaya.

Round 3

Match: Yannah at Yaya
Score: III - 0, panalo ni Yannah


Round 4

Match: Yannah at ako
Score: 0 - III, panalo ko

Si Ate Ericka din napilit namin maglaro.

Round 5

Match: Ericka at ako
Score: 0 -III, panalo ko

A, after nun, pinilit din namin si Howie. Kalaban naman si Ate Ericka. Para daw patas kasi pareho silang beginners.

Round 6

Match: Ericka at Howie
Score: II - III, panalo ni Howie

Nung una talaga, kala ko ung laban nila Ate Ericka at Howie ung pinaka nakakatawa. Hindi pala. Dahil dumating si Paul at hinamon si Yaya.

Round 7

Match: Yaya at Paul
Score: III - II, panalo ni Yaya

Medyo matagal yang laro nila kasi si Yaya nandadaya. Tsaka lagi silang nagkakapalit ng "Weapons", kaya un. So nung natalo na si Paul, sabi niya gusto niya ng rematch. Gusto aw niya matalo si Yaya. So pinagbigyan ko.

Round 8 / Rematch

Match: Yaya at Paul

By unanimous decision and popular demand, ginawa kong hanggang round 10 imbes na 3 lang. Enjoy naman. Kaso grabe tagal talaga ng laban nila. Nagkakadayaan pa. Kasi si Yaya, manalo o matalo sa janken, o kahit ung pang-shield ang nakukuha niya, hinahampas si Paul. Si Paul, sa takot, kinuha naman ung takip ng garbage can. Un na lang daw ung pananggalang. LOL. Sa laro din nila, injured sila pareho.
Si Yaya, may broken nose ngayon, at nagkasugat sa daliri. Si Paul, magkakabukol na ata kakahampas ni Yaya sa kanya. At ngayon, eto pa lang ata ang janken na alam ko na may nagkakasakitan. OTL.
So after siguro ng isang oras ng paglalabanan nila ng JanKenPon, eto na ang resulta.

Score: VIII - X, Panalo ni Paul

A, kahit puro bukol at pasa ang inabot niya kay Yaya, nanalo pa rin naman si Paul, kaya masaya siya.

LMAO.

What a game.