Tuesday, October 25, 2011

Birthday Celebration ni Keng sa MoA


Actual Date nung nangyari to: October 23, 2011


Para sa isa pang celebration ni Keng, punta kami sa MoA, sponsored by Peds. Medyo secret kasi ung pagsama ko tsaka nung rest ng ACAPIA band members. Kaso nung naghihintay kami sa tindahan nila Alou, nakita kami nila Keng. So ang excuse namin, pep squad kami na ang meeting place, kay nila Alou.
Di un, nung nasa MoA na kami, tagu-taguan ang naging laro. Medyo nakasalubong namin sila Keng, pero nagtago uli kami. So safe.
Nung hinihintay namin ung text ni Peds, tumambay kami dun sa may bridge at binoculars. At kinunan ko ung MoA.


Anlaki talaga. LOL.
Kinunan ko na rin ung sunset. Nakakamangha e.



Ganda nung mga kuha ko. Kaya solve ako XD
At yan na ung harap nung MoA. Nung time na yan, nagpakita na kami kay nila Keng.

Ayan na nga, kinunan ko na rin silang dalawa. YIHEE!






At dahil namangha ako sa fountain, kinunan ko rin ng maraming pics. Nakakatuwa ung mga water droplets na mukhang orbs. LMAO.




Nung natapos na kami sa labas ng MoA, punta na kaming Mang Inasal. Libre ni Peds ung pagkain. Tsaka may reserve na. So un. Ako tong magaling na nakaupo sa kabisera kahit di naman ako ung nagse-celebrate.
Dun sa itaas na pics, kinunan ko sila Alou at Isaac. Nagkaron sila nun ng competiotion na naman. At LOL, laughtrip talaga ung mga pinaggagawa namin dun. Syempre... Maingay. Dahil sa CHICKEN OIL!!!

So sa huli, hinatid na kami nila Peds pauwi. Masaya rin ung biyahe kahit tulog ako LMAO kasi nanonood kami ng Chicken Little sa kotse XD
Nice experience talaga. First time ko ring nakarating sa MoA na sobrang dami ng tao. Usually, dati pag pumupunta kami dun kasama sila Kuya Rex, onti lang mga tao e. Tsaka first time ko rin pumunta dun na kasama barakada ko. Sana maulit uli XD